ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

After Jane, Mariz and Manolo, sinong ex-PBB All In Housemate ang next na gusto mong gumanap sa MMK?
A. Loisa
7682 vote/s out of 16805
46% Vote

B. Fourth at Fifth
3199 vote/s out of 16805
19% Vote

C. Daniel
1770 vote/s out of 16805
11% Vote

D. Vickie
1207 vote/s out of 16805
7% Vote

E. Joshua
2947 vote/s out of 16805
18% Vote

Total Votes: 16805

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Angelica Panganiban and Derek Ramsay split tops showbiz breakups of 2012

1/05/2013 12:39 AM

by: Krissa Donida

Push This

010513-breakups_main.jpgNaging matunog ang breakup ng ilang showbiz couples noong 2012. Sa poll na ginawa ng Push.com.ph kung saan itinanong sa mga fans kung anong breakup ang gumawa ng pinakamalakas na ingay, ang hiwalayang Derek Ramsay at Angelica Panganiban ay umani ng 42 percent ng mga boto. Sinusundan ito ng hiwalayang Matteo Guidicelli at Maja Salvador na may 34 percent, John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao na may 17 percent at sina Jason Francisco at Melai Cantiveros na may 6 percent.

Jason Francisco at Melai Cantiveros
Nasaksihan ng milyung-milyung Pilipino ang pag-usbong ng pag-iibigan nina Jason Francisco at Melai Cantiveros sa reality show na Pinoy Big Brother. Sinundan ng marami ang tambalang Melason mula sa telebisyon hanggang sa pelikula. Ngunit unti-unting lumabas ang balita nung umpisa ng taong 2012 na hiwalay na raw ang dawala. Pagkatapos iwasan pag-usapan ang isyu, umamin na din nga ang dalawa na hiwalay na nga sila. Sa kasalukuyan ay nanumbalik na ang pagiging magkaibigan ng dalawa. Kapag natatanong kung may pag-asa pa bang magkabalikan, ayon sa dalawa, hindi naman nila sinasara ang posibilidad na iyon pero sa ngayon ay magkaibigan daw muna sila.

John Lloyd Cruz and Shaina Magdayao
Hindi pa man umaamin ang dalawa sa estado ng kanilang relasyon noon, iniikutan na ng kontrobersiya ang pagiging magkarelasyon nina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao. Hindi man ito ang una nilang pag-amin sa kanilang paghihiwalay (nagkabalikan din sila noong nakaraang taon), masasabing ang pagtapos nila sa relasyong ito ay umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa publiko. Iwas ang dalawa sa mga panayam kung ano ang naging totoong rason ng kanilang hiwalayan. Nadawit din si Angelica Panganiban na rason diumano ng kanilang hiwalayan na itinanggi naman ni John Lloyd. Inamin din ni John Lloyd sa panayam sa kanya sa Kris TV na hindi man sila magkaibigan o nagkaroon ng pagkakataong mag-usap ni Shaina matapos nilang maghiwalay, civil naman ang dalawa sa isa’t isa.

Matteo Guidicelli and Maja Salvador
Nalantad sa publiko ang relasyon nina Matteo Guidicelli and Maja Salvador pagkatapos ng gulo na nangyari sa Star Magic Ball 2011 sa pagitan nina Coco Martin at Matteo dahil kay Maja. Umamin din si Matteo tungkol sa estado ng kanilang relasyon sa isang interview sa The Buzz. Naghiwalay ang dalawa noong 2012 sa hindi malamang rason. Umiiwas man ang dalawa na pag-usapan ang kanilang hiwalayan, umamin naman sila na masaya silang bilang magkaibigan ngayon.

Derek Ramsay and Angelica Panganiban
Ang sinasabing pinakamalaking naging showbiz hiwalayan ng taon, ang paghihiwalay nina Derek at Angelica ay hindi naging madali sa dalawa lalo pa’t napuno ng sari-saring isyu ang kanilang paghihiwalay. Sa paglipat ni Derek sa ibang television network, ang paglabas ng balitang siya ay kasal pala sa iba at ang pagkakadawit ni John Lloyd sa kanilang hiwalayan ay ilan lamang sa mga balitang lumabas na ikinaharap ng dalawa. Tikom ang dalawa sa naging rason ng kanilang hiwalayan hanggang sa naglahad ng kanyang saloobin si Angelica sa kanyang Twitter account tungkol sa hiwalayan nilang dalawa. At ayon sa kanya, napagod na siya at nang may nagtanong din kung may third party na involved, sixth party pa daw diumano ang rason at inaming siya ang unang nakipaghiwalay sa aktor. Sa kasalukuyan nga ay umamin na rin si Derek na may bago siyang dine-date na atleteang nagngangalang Alexa Amos at si Angelica naman ay masaya sa piling ng kasintahang si John Lloyd Cruz.

Post A Comment
Comment: