ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

After Jane, Mariz and Manolo, sinong ex-PBB All In Housemate ang next na gusto mong gumanap sa MMK?
A. Loisa
11744 vote/s out of 26901
44% Vote

B. Fourth at Fifth
5840 vote/s out of 26901
22% Vote

C. Daniel
2953 vote/s out of 26901
11% Vote

D. Vickie
2003 vote/s out of 26901
7% Vote

E. Joshua
4361 vote/s out of 26901
16% Vote

Total Votes: 26901

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Sarah Geronimo-Gerald Anderson romance is top showbiz news of 2012

1/03/2013 10:37 AM

by: Bernie Franco

Push This

010312-sarahgerald_main.jpgBuhay na buhay ang Sarah Geronimo-Gerald Anderson romance issue nang ito ang nanguna sa Push poll na isinagawa ng Push. Sa loob ng isang linggo, itinanong ng Push.com.ph ang mga fans kung ano sa tingin nila ang gumawa ng pinakamalakas na ingay sa larangan ng showbiz sa loob ng 2012: ang Sarah-Gerald romance, Carmina Villaroel-Zoren Legaspi wedding, death of Comedy King Dolphy, Ramgen Revilla murder, o Andi Eigenmann-Jake Ejercito-Albie Casiño saga. 

Nakakuha ng 3,152 o 55 percent ng mga boto ang Sarah-Gerald romance. Sumunod ang Carmina-Zoren wedding with 33 percent, na sinundan ng pagpanaw ni Comedy King Dolphy with 7 percent, habang magkadikit ang Andi-Jake-Albie saga with 2 percent at ang Ramgen Revilla murder with 1 percent.

Unang nagtambal sina Sarah at Gerald sa pelikulang Catch Me…I’m In Love na ipinalabas noong March 2011. Naging blockbuster hit ang movie dahil sa magandang chemistry ng dalawa at sa pareho ring taon ay ginawa ang kanilang second movie, ang Won’t Last A Day Without You noong November 2011.

Marami ang umasa na mauuwi sa totohanan ang onscreen partnership ng dalawa at muntik na nga. However, kung before ay sinasabi ng dalawa na gumagan ang relasyon nila, sa mga sumunod nilang interviews ay biglang naging mailap sila kapag tinatanong sila tungkol dito. May mga lumabas na isyung hindi raw boto ang mga magulang ni Sarah kay Gerald, na noon pa man ay napapabalitang masyadong overprotective sa Popstar Princess. Naiulat naman na diumano’y sinabihan ng mga magulang ni Sarah si Gerald na huwag na umanong ligawan ang anak. Hanggang sa ngayon, marami pa ring mga fans ng dalawa ang umaasang magkatuluyan pa rin sila subalit vocal sina Sarah at Gerald sa pagsasabi na ang komunikasyon nila ay hindi na kagaya ng dati.

results-newsmaker.jpg

Pumangalawa naman sa poll ang kasalang Carmina-Zoren na naganap noong November 15 via a mob-flash wedding. Isang surprise proposal/wedding ang in-organize ni Zoren para kay Carmina na inakalang isang commercial shoot ang gagawin nila sa venue. Nagkasama sa loob ng 14 years ang dalawa bago nangyari ang kasal.

Third on the list ang pagpanaw ni comedy king Dolphy noong July 10. Pumanaaw ang comedy king sa edad na 83 dahil sa multiple organ failure na naidulot ng kanyang karamdamang Chronic obstructive pulmonary disease (COPD). Ilan sa mga karakter na pinasikat ni Dolphy ay si John Puruntong sa sitcom na John en Marsha at si Kevin Kosme sa Home Along Da Riles. Gayundin ang title roles na Facifica Falayfay, Captain Barbell at Darna Kuno na ginampanan niya sa silver screen.

Sinundan naman ito ang Andi-Jake-Albie love story saga. Sanga-sangang istorya ng pag-ibig ang nangyari sa paghihiwalay nina Andi at Albie noong 2011 dahil kinasangkutan ito ng violence. Una ay ang diumano’y pananakit ni Albie kay Andi noong 2011 and later on ay ang pambubugbog diumano ng barkada ni Andi kay Albie sa isang bar noong 2012. Tumamlay ang career ni Albie samantalang nakabalik si Andi sa showbiz matapos siyang manganak sa baby girl niya anak diumano ni Albie. Biglang nabuhay ang isyu nang ma-link si Andi kay Jake Ejercito na anak ni ex-president Joseph Estrada kay Laarni Enriquez, former actress. Pumutok ang isyung tila ‘di raw boto ang mga magulang ni Jake kay Andi dahil may anak ito at mismong ina ni Andi na si Jaclyn Jose ang nagbunyag ng impormasyong ito. Nagkaroon ng di pagkakaunawaan ang mag-ina at tuluyan nang naputol ang namamagitan kina Andi at Jake.

Pinakahuli naman ang Ramgen Revilla murder na ang itinuturong nagplano umano ng pagpaslang ng binata ay mismong kanyang mga kapatid. Ang girlfriend ni Ramgen na si Janelle Manahan ang naglahad ng impormasyong ito at siya ring kasama ni Ramgen noong araw na paslangin ang aktor. Nasugatan din si Janelle noon subalit nabuhay siya at ang naging prime witness. Sinimula ang paglilitis ng kaso noong 2012 kung saan nasangkot ang tatlo sa kapatid ni Ramgen.

Post A Comment
Comment: