ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Agree ka ba kung maging Kapamilya si Aljur Abrenica?
A. Oo, the more stars, the merrier!
6725 vote/s out of 13386
50% Vote

B. Hindi, dun na lang siya sa ibang network.
6661 vote/s out of 13386
50% Vote

Total Votes: 13386

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Julia Montes chooses to focus on her career and brushes off talks on love life

1/03/2013 10:06 AM

by: Krissa Donida

Push This

010312-julia_main.jpgNaiulat na ang reaksiyon ni Coco Martin tungkol sa pagtuloy niya sa panliigaw sa dalagang si Julia Montes. Nang maitanong kung ano ang kanyang plano tungkol dito, sinabi ni Coco na hintayin na munang mag-eighteen ang dalaga saka siya balikan tungkol sa paksa ng panliligaw.

Nauna na ring kunan ng reaction ng lola ni Julia na si Lola Flory tungkol dito at ayon nga sa kanya, “Ako naman kasi mabait naman si Coco, pinapasa-Diyos ko na lang yun.” At dagdag pa niya na nasa apo niya ang huling desisyon kung ano ang gugustuhin nito. Pero dagdag ni Lola FLory, “Intindihin muna niya ay ang kanyang pagta-trabaho, ang hanapbuhay niya. Saka na ang love life. Huwag muna, saka na lang.”

Kaya ng kunan ng reaksiyon ni Julia tungkol sa sinabing ito ng kanyang lola, sagot ng dalaga, “Ayun, no comment. Desisyon ni Lola yun kaya dapat sundin.”

Ngunit nung tinanong ng Push kung mapipigilan ba ang ganitong klaseng damdamin, ayon sa dalaga, “Hindi naman niya ako inaano, pero kung ano naman ang desisyun ko sinusuportahan niya ako. Mas pinili ko na lang muna talaga ngayon ang work, career. Yun.”

At dahil pinag-uusapan na rin ang career, kinamusta ng Push ang ginagawa nilang pelikula ni Coco. Ayon kay Julia, “January na yun, malapit na. Siguro in a way pasasalamat namin ito for Walang Hanggan, sa lahat ng sumuporta ng Walang Hanggan and siguro hindi nila ineexpect yung hindi nakuha sa Walang Hanggan. Hopefully dito mafulfill so sana mapanood nila kasi ibang tema, ibang kwento, ibang atake sa mga characters namin.”

Binigay na din ni Julia ang kanyang rekasiyon tungkol sa sinabi ni Coco na panliligaw sa kanya pagtungtung niya ng eighteen years old. “18? Yan nanaman ang 18. Hindi naman ata ako ganun kaganda. Hindi pa ako ready mag-18, ineenjoy ko pa ang pagiging 17, may ilang months pa.

Kaya naman sa pagkakalink niya kay Coco at Enchong Dee, tinanong ng Push ang dalaga kung may pressure ba sa kanya na dalawang lalaki ang mistulang naghihintay sa kanya. “Wala namang pressure basta ako focused lang ako.”

Post A Comment
Comment: