ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

After ng Pure Love, ano wish mo na next Koreanovela remake ng ABS-CBN?
A. Boys Over Flowers
7205 vote/s out of 11547
62% Vote

B. Two Wives
511 vote/s out of 11547
4% Vote

C. That Winter The Wind Blows
955 vote/s out of 11547
8% Vote

D. The Heirs
2876 vote/s out of 11547
25% Vote

Total Votes: 11547

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Angeline Quinto hopes that her biological parents will settle their differences soon

1/02/2013 9:14 AM

by: Rachelle Siazon

Push This

010213-angeline_main.jpgInamin ni Angeline Quinto na isa sa mga pinakamagandang regalo na natanggap niya ngayong Pasko ay ang pagkakasundo ng kanyang adoptive mom na kung tawagin niya ay Mama Bob at ang biological mother niya na si Nanay Susan. Noong una kasi niyang nahanap ang kanyang tunay na ina ay nag-alangan pa siyang sabihin kaagad ito kaya Mama Bob. Ito dahil ayaw niyang iparamdam dito na hindi sapat ang pagmamahal at pagaalagang iniukol nito sa kanya.

Kaya gano’n na lang ang saya ni Angeline dahil maayos na nagkaharap ang kanyang dalawang ina. “One time, habang nasa ASAP ako, nag-lunch silang dalawa. Kaya sobrang masaya ako kasi hindi ko inasahan. Akala ko nga po medyo hindi okay kapag nagkita sila. Pero sa awa ng Diyos, akala mo nga close sila kung magkwentuhan,” masayang ibinahagi ng singer-actress sa Push.com.ph.

Mas napadali raw ang pagkakaayos ng dalawa dahil sa pagmamahal ng mga ito para sa kanya. “Siguro po kasi sa tagal ng panahon at alam naman nila na nasa mabuting kalagayan ako ngayon kaya wala naman samaan ng loob. Naging okay na lahat sa kanila. Ang importante maayos na. Ang alam naman ng Mama Bob ko ang gusto ko lang ay makilala si Nanay Susan talaga.” 

Nais din sana ni Angeline na magkita na rin ang kanyang tatay at long-lost biological mother. Ngunit siya na mismo ang nagsabi na hindi pa handa ang kanyang ama na harapin ito sa ngayon. “Opo naman. Pero para sa akin magiging complete ‘yun kung naging okay na ang nanay at tatay ko. Kapag nagkita sila mas matutuwa ang puso ko. Pero feeling ko po hindi pa talaga oras na magkita sila ngayon.” 

Post A Comment
Comment: