ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Who is your favorite celebrity baby?
A. Baby Zion of Sarah and Richard
7959 vote/s out of 62648
13% Vote

B. Baby Pele of Jolina and Mark
3293 vote/s out of 62648
5% Vote

C. Baby Mela of Melai and Jason
31546 vote/s out of 62648
50% Vote

D. Baby Gavin of Cheska and Doug
19850 vote/s out of 62648
32% Vote

Total Votes: 62648

Snapshots (Photo Gallery)


kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Angel Locsin says she already has her 'last will and testament'

12/30/2012 9:59 PM

by: Bernie Franco

Push This

123112-angel_main.jpgKamakailan sa Kris TV ay ipinaliwanag ni Angel Locsin ang tinuran niya in a previous interview kung bakit sinabi niyang mas makabubuti siguro kung sa mas bagong aktres ibigay ang “bato” ni Darna sa halip na siya. “Nasabi ko ‘yon kasi ayoko ding maging madamot, di ba?” simula ng aktres. “Kasi alam ko kung anong ibinigay sa akin ng Darna, alam ko kung saan ako nakarating dahil sa Darna, kaya ayokong ipagdamot.” 

Mas mahalaga raw sa kanya na naging masigasig ang kanyang mga tagahanga na muling gampanan niya ang super hero icon nang lumabas ang balitang nakuha na umano ng ABS-CBN, ang istasyong kinabibilangan ngayon ni Angel, ang rights ng Darna. “Kaya rin ako napaisip ng ganito kasi sa Twitter, nung lumabas na ‘yung balitang ‘yon, ‘yun pa lang, eh maraming-maraming salamat na talaga sa pagtitiwala at nagustuhan nila ang pinaggagawa ko (noon bilang Darna),” paliwanag ni Angel.

Patuloy ang pag-imbulog ng career ni Angel subalit ang prayoridad umano niya ay mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. “Gusto ko kasi lahat sa kanila. Para kasing gusto ko lahat ng pwede kong ibigay, ibibigay ko sa kanila. Ayoko lang na parang may iwan, parang ganon ang pakiramdam ko.” 

Ang sumunod na pahayag ni Angel ay ikinagulat ni Kris Aquino at ng guest co-host niyang si Pooh. “Pag nagta-travel ako may last will at testament ako para settled lahat.” Aniya, hindi kasi niya alam ang pwedeng mangyari kaya mas mainam na handa siya. 

Tinuran naman ni Kris na ang tinutukoy ni Angel ay tinatawag na “holographic will” kung saan maaari itong hand-written. Kung wala raw itong saksi, sinabi ni Kris na ang mahalaga ay handwriting at pirmado ito ng testator.  

Ayon pa kay Angel, noong una ay hindi ito alam ng kanyang ama at ibinibigay na lang niya ang sobra na naglalaman ng kanyang “holographic will” kapag magta-travel siya. Ikinagulat daw iyon ng kanyang ama subalit bandang huli ay gumaya na rin umano siya. 

Certified blockbuster hit naman ngayonat humakot ng maraming awards kabilang ang Best Picture ang Metro Manila Film Fest entry na One More Try na pinagbibidahan ni Angel, kasama sina Angelica Panganiban, Dingdong Dantes at Zanjoe Marudo. 

Post A Comment
Comment: