ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

After Jane, Mariz and Manolo, sinong ex-PBB All In Housemate ang next na gusto mong gumanap sa MMK?
A. Loisa
7621 vote/s out of 16653
46% Vote

B. Fourth at Fifth
3157 vote/s out of 16653
19% Vote

C. Daniel
1749 vote/s out of 16653
11% Vote

D. Vickie
1198 vote/s out of 16653
7% Vote

E. Joshua
2928 vote/s out of 16653
18% Vote

Total Votes: 16653

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

AiAi delas Alas shares what roles she is most effective in portraying

12/30/2012 9:48 PM

by: Bernie Franco

Push This

123112-aiai_main.jpg“Happy and contented and peaceful.” Ito ang sagot ni AiAi delas Alas nang tanungin siya ni Boy Abunda sa "Ikaw Na!" portion ng Bandila this week sa estado ng kanyang buhay. Ayon pa sa Comedy Queen, makulay raw ang kanyang buhay ngayon. Bukod sa magandang career, may love life din ang aktres. 

Kung mayroon man bahagi ng buhay niya na natatawa siya, ito raw ay ang kanyang “kalokahan” noon sa kanyang buhay pag-ibig. Hiwalay si AiAi sa kanyang unang asawa kung kanino siya nagka-anak ng tatlo. Sa ngayon ay happily in a relationship si AiAi with a non-showbiz guy. 

Sinang-ayunan naman ni AiAi ang tinuran ni Boy na sa lahat ng ginagawa ng Comedy Queen ay ibinibigay niya lahat ng kanyang makakaya. “Sobra… sa work, sa pamilya, sa pag-ibig, lahat full blast. Walang half-half,” paglalarawan ng aktres.  

Sa tagal na rin sa industriya ni AiAi, alam na raw niya ang kanyang kakayahan at kung naibigay na ba niya ang best niya sa isang eksena. 

Pinakaepektibo raw siya sa acting kapag mother at wife roles ang ginagampanan niya. “Siguro ‘yun nga ang pinaghuhugutan ko, ‘yung buhay ko no’n. Alam natin na adopted ako, pag ganitong tungkol sa mga bata, masyado akong sensitive,” pag-amin ng komedyante. 

Puring-puri naman ng aktres ang kanyang co-star sa pelikulang Sisterakas na si Vice Ganda dahil sa bilis ang isip nito. “Si Vice kasi napakabilis (mag-isip). Masyadong matalino, so marami siyang sinasabi. Ako sa aktingan, du’n mo ako maaasahan, pero sa ganyan ang bilis, ang dami niyang nasasabi agad.” 

Inihalintulad din niya si Vice kay Kris Aquino na isa pa nilang kaibigan at co-star sa nangungunang Metro Manila Film Fest entry ngayon. “Pareho sila ni Vice, mabilis magsalita, mabilis mag-isip ng punch line.”  

Post A Comment
Comment: