ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

After Jane, Mariz and Manolo, sinong ex-PBB All In Housemate ang next na gusto mong gumanap sa MMK?
A. Loisa
8399 vote/s out of 18678
45% Vote

B. Fourth at Fifth
3671 vote/s out of 18678
20% Vote

C. Daniel
1966 vote/s out of 18678
11% Vote

D. Vickie
1331 vote/s out of 18678
7% Vote

E. Joshua
3311 vote/s out of 18678
18% Vote

Total Votes: 18678

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Robin Padilla and Anne Curtis are excited for 'Kailangan Ko'y Ikaw'

12/29/2012 10:14 PM

by: Krissa Donida

Push This

123012-robinanne_main.jpgIsa sa mga inaaabangang teleserye sa darating na taong 2013 ang Kailangan Ko’y Ikaw na pinagbibidahan nina Robin Padilla, Anne Curtis at Kris Aquino. Hindi pa man nagsisimula ang pag-ere nito usap-usapan na ang mga malalaking eksena dito lalo pa ang love story ng tatlong bida. At maging ang mga bida na sina Anne Curtis at Robin Padilla ay hindi maitago ang excitement sa kanilang pinakabagong proyekto na ito.
 
At nung tanungin namin sila patungkol sa kanilang on-screen chemistry, na marami na ang kinikilig at nag-aabang, ang naging reaksiyon ni Anne, “O talaga? Uy, kakaexcite naman pero I am really proud of what I have done so far its something to look forward that. Pinaghirapan talaga namin, if you guys only knew the long nights, and the different locations that we shot in, sobrang pinaganda po talaga namin ang Kailangan Ko’y Ikaw so we are really looking forward to everyone to please support and watch it coming early next year.”
 
Ngunit ang hindi maitatago ay ang kilig at chemistry pa rin ni Robin Padilla at Kris Aquino na dati pa man ay nagkatambal na sa iilang mga pelikula at ngayon ngang sa unang pagkakataon ay magsasama sila sa isang teleserye. Hindi mapigil ang reaksiyon ng mga tao sa pinalabas na trailer ng teleserye kung saan marami sa kanilang eksena ay ‘romantic.’ At nang kunin namin ang reaksiyon ni Binoe dito, binida niya ang talaga namang maasikaso ding si Kris Aquino. “Patay tayo kay Ma (Mariel) niyan. Sa amin naman ni Kris hindi naman nawawal yung ano, lagi pa rin nandun yun. Alam niyo kahit sa taping kapag alam niyang ina-allergy ako o nagugutom ako, laging nandun siya. Yung damit ko, yung isusuot ko dito, yung birthday ko, yung para sa pictorial, dinamitan niya ako. Iba si Kris.”
 
Abangan ang Kailangan Ko’y Ikaw sa January 21
na sa Primetime Bida ng ABS-CBN.  

Post A Comment
Comment: