ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Ano ang masasabi mo sa bagong pag-ibig ni Aiai Delas Alas?
A. She's free to love whoever she wants.
4460 vote/s out of 5924
75% Vote

B. Sana pahinga muna ang puso niya.
1464 vote/s out of 5924
25% Vote

Total Votes: 5924

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

KZ Tandingan clarifies that she is not a single mom

12/29/2012 10:09 PM

by: Bernie Franco

Push This

123012-kz_main.jpgOo natatawa po ako paano naman ako magiging single mom eh di pa nga ako nagkaka-boyfriend eh naging single mom na ako. Natatawa na lang ako.” Ito ang tugon ni KZ Tandingan sa panayam ng ABS-CBNnews.com sa kanya hinggil sa lumabas na isyung single mom na raw siya.

Idiniin niya na hindi siya single mom at no boyfriend since birth daw ang 20-anyos na X-Factor Philippines Grand Winner. Ikinuwento raw iyon ni KZ sa kanyang mga magulang at pinayuhan siyang huwag na lang itong pansinin. Ani KZ, alam naman daw ng kanyang pamilya ang totoo.

Pagpapatuloy pa ni KZ sa panayam sa kanya ng ABS-CBNnews.com, "Kasi sinabi ko doon -- sa nabasa ko na article kung saan lumabas yung single mom daw po ako -- baka po kasi misheard 'yung sinabi ko po na 'single man ako if love lang ang kailangan I get all the love I need.' Baka ang pagkarinig niya sa 'single man ako' ay 'single mom,'” aniya. Sa kasalukuyan ay walang karelasyon si KZ at hindi raw siya nagmamadali. 

Umaasa naman na by 2013 ay mailalabas na ni KZ ang kanyang debut album. 

Post A Comment
Comment: