Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Kris Aquino's new pixie cut hair style
A. Love it!
3843 vote/s out of 4677
82% Vote

B. Hate it!
834 vote/s out of 4677
18% Vote

Total Votes: 4677

Julia Montes's Lola Flory speaks up about Coco Martin and Enchong Dee

12/28/2012 8:04 PM

by: Krissa Donida

Push This

122912-julia_main.jpgSa likod ng tagumpay ni Julia Montes ay nakaagapay ang kanyang Lola Flory na sa simula pa lang ni Julia sa show business ay sumusuporta na sa kanyang apo. Si Lola Flory din ang kaagapay ni Julia tuwing may bumabatikos sa kanya. “Isa rin yun sa mga nakatulong kasi leksyon din sa kanya yun e. Kaya kung anuman ang hindi niya nagagawa, na hindi niya sinasadya, siguro hindi na niya uulitin. Kaya maraming salamat din sa mga intrigang ganun para magkaroon naman siya ng leksyon.

Isa sa mga masasabing pinaka-challenging na pinagdaanan ni Julia ay ang patunayan sa lahat na karapat-dapat siya sa break na naibigay sa kanya, lalo na nang nakatambal niya si Coco Martin sa Walang Hanggan. “Yung binigay sa kanyang trabaho nagampanan niyang mabuti, na binigay niya yung best niya para hindi kahiya-hiya sa mga nagbigay sa kanya ng tiwala,” aniya ni Lola Flory.

At sa isyung nabigyan ang apo niya ng break imbes na ibang artista na mas nauna sa kanya, aniya, “Siguro kasi minsan wala siyang kibo pero hinid ko kasi siya tinatanong dahil ayaw ko na pag ganun. Hindi na ako nagtatanong kasi parang pag nagtanong pa ako dinadagdagan ko yung ano (pressure). Pero marunong naman siyang magdala.”

Hindi madali ang gumawa ng pangalan sa show business at panatilihin ito. Ano ang nagpapatatag kay Julia para magpursige dito? “Siguro yung pinaggalingan niyang hirap din. Kasi siyempre before hirap na hirap kami tapos biglang dumating sa kanya yung pagkakataong magandang role,” sagot ni Lola Flory.

Tinanong din ng Push.com.ph si Lola Flory ang reaction niya sa sinabi ni Coco na magkakaalaman na lamang pagtungtung ni Julia ng 18 years old kung liligawan man niya ito. “Ako naman kasi mabait naman si Coco. Pinapasa-Diyos ko na lang yun.

At kung sang-ayon ba siya sa binata, “Okay lang. Si Julia pa rin ang masusunod kasi hindi naman ako ang magdadala e. Siyempre na kay Julia yun.” Tinanong namin siya kung konokonsulta siya ni Julia tungkol sa ganitong mga bagay, diretsong “hindi” ang sagot ni Lola Flory.

Naging makahulugan ang reaksiyon ni Lola Flory sa na-link din sa kanyang apo na si Enchong Dee. “Si Enchong naman, okay lang naman ako. Ako naman kahit na sino kasi depende na kay Julia yun, kung sino ba ang gusto niya. Nasa kanya yun. Hindi ako kumokontra sa kahit na sino, hindi ako kumokontra. Na kay Julia yun. Ayaw ko kumontra dahil siya ang magdadala hindi ako.

At sa tingin niya kung kamusta na ang dalawa sa estado nila ngayon, “Parang magkaibigan naman sila.” At mas sang-ayon nga sa ganitong lagay si Lola Flory. Aniya, “Mas okay yun na magkaibigan muna sila. Sa akin naman kung talagang sila, sila pagdating ng araw. Magtrabaho munaa sila ng maigi para walang sagabal.”

Kaya naman hiningan ng Push ng Christmas wish si Lola Flory para sa apo, isa lang ang hiling nito sa dalaga. “Sana tatagan niya at sana maging matatag siya at intindihin muna niya ay ang kanyang pagtatrabaho, ang hanapbuhay niya. Saka na ang love life. Huwag muna. Saka na lang.”

Post A Comment
Comment: