ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

After Jane, Mariz and Manolo, sinong ex-PBB All In Housemate ang next na gusto mong gumanap sa MMK?
A. Loisa
6229 vote/s out of 13483
46% Vote

B. Fourth at Fifth
2392 vote/s out of 13483
18% Vote

C. Daniel
1411 vote/s out of 13483
10% Vote

D. Vickie
993 vote/s out of 13483
7% Vote

E. Joshua
2458 vote/s out of 13483
18% Vote

Total Votes: 13483

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

JM de Guzman denies that Jessy Mendiola is the reason why he is being unprofessional

12/28/2012 8:20 AM

by: Krissa Donida

Push This

122812-jm_main.jpgSa ginanap na premiere night ng The Strangers na isa sa walong official entry para sa 2012 Metro Manila Film Festival, very proud si JM de Guzman sa proyekto niyang ito. “Sobrang astig, sobrang ganda ng effects. Hindi ako makagalaw sa upuan ko, dapat talaga panoorin.

At sa pagtatapos ng taon natanong ng Push.com.ph kung paano niya iiwan ang 2012. Aniya, “Masaya kasi marami akong natutunan, maraming blessings na natanggap. Yung opportunity na binigay sa akin ng ABS, projects, ayun.”

Positibo mang iiwan ni JM ang taong 2012, may mga isyu pa ring lumalabas na patungkol diumano sa pagiging unprofessional ng binata lalo na sa set ng kanyang katatapos lang na teleseryeng Angelito. “Ngiti na lang. Opinyon po nila yun kaya I respect them.”

May mga bulung-bulungan din na matindi ang personal na pinagdadaanan ng binata, at nang matanong siya ng Push tungkol dito, “Lahat naman ng tao may pinagdadaanan, minsan nami-misunderstand lang ako pag nagpre-prepare siguro sa role, natutulala.” At sa tanong na posible dahil kay Jessy Mendiola lumalabas ang mga isyung ganito, matipid ngunit diretso ang naging sagot ni JM, “Hindi.”

At dahil sa mga lumalabas na mga balitang ito, may mga ilan ding nagsasabi na maaring makaapekto ito sa mga posible pang proyektong niya.“Well, siyempre lahat naman tayo ayaw mawalan ng trabaho pero sigurado naman ako sa sarili ko na I will still be at my best, gagawin ko ang lahat para makagawa pa ng projects ng ABS-CBN.”

Hindi rin malaman ni JM kung bakit may mga negatibong isyung lumalabas ng tulad ng pagiging unprofessional sa trabaho. “Siguro nga po lahat may masasabi na negative, yan ang utak ng tao e pero mahal ko yung trabaho ko at binibigay ko yung best ko.

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, isang excited na JM ang naglahad ng ilan pa sa kanyang inaabangan sa paparating na bagong taon. “More projects, more challenging roles na dumating sana. Hindi naman sa namimili pero nangigigil ako na magtrabaho at mas pagbutihin.” Dagdag pa niya, “Sa TV, sa movies marami pa akong hindi nagagawang roles, yun yung para sa sarili ko. May dream din ako para sa pamilya ko, may dream din ako para sa magulang ko. Gusto kong mabigyan sila ng mas magandang buhay.”

Post A Comment
Comment: