ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Agree ka ba kung maging Kapamilya si Aljur Abrenica?
A. Oo, the more stars, the merrier!
1394 vote/s out of 2451
57% Vote

B. Hindi, dun na lang siya sa ibang network.
1057 vote/s out of 2451
43% Vote

Total Votes: 2451

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Carmina Villarroel reveals why her career remains active even after many years

12/28/2012 8:16 AM

by: Bernie Franco

Push This

122812-carmina_main.jpgSa murang edad pa lamang ay pinasok na ni Carmina Villarroel ang showbiz. Nagsimula siya bilang isang modelo at di kalaunan ay napasok ang show business. May mga pagkakataong nawala siya sa limelight, gaya nang magbuntis siya. Gayunpaman, malugod siyang tinanggap muli ng showbiz at sinuportahan ng kanyang mga tagahanga.

Hanggang ngayon, patuloy ang pagiging aktibo sa showbiz ni Carmina. Kasalukuyan siyang host ng Saturday entertainment news program na Showbiz Inside Report at bibida sa upcoming 2013 teleserye na May Isang Pangarap. Madalas din siyang makita sa TV commercials dahil sa endorsements.

Sa isang interview, naitanong sa actress-host kung ano ba sa tingin niya ang secret to her staying power. “Dahil nga siguro nakikita ng tao ang dedication ko tsaka ‘yung passion ko sa work,” paliwanag niya. Kung masama raw siguro ang kanyang ugali at work ethics, malamang daw ay matagal na siyang wala sa industriya.

Kasi iniisip ko [kung] salbahe ako dati, kung pasaway ako, o sakit ng ulo, I don’t think kukunin nila ako, ‘di ba? Tsaka siguro nakikita naman nila na I can deliver kasi gusto ko ang ginagawa ko,” aniya.

Marami rin siyang kayang i-offer pagdating sa pag-arte o kahit sa pagho-host man. “Gusto kong mag-host, sa comedy okay din ako kasi may timing din ako. That’s where I grew up eh, may sitcom ako [dati], gag show [din], ganyan, and sa drama ganun din. Feeling ko kahit saan pwede nila akong ilagay.” Swerte rin daw siya na ang mga roles na ibinibigay sa kanya ay akma lamang sa kanyang edad.

Kabilang sa mga nagmarkang TV projects ni Carmina ay ang Palibhasa Lalaki (1991), Abangan Ang Susunod na Kabanata (1991), Oki Doki Doc (2002), Recuerdo De Amor (2001-2003).

Ipinalabas sa ABS-CBN kamakailan ang TV special ng proposal/wedding nila ng kanyang partner na si Zoren Legaspi na pinamagatang Zoren-Carmina: Always and Forever, A Wedding Like No Other. Mayroon silang twins sina Cassy at Mavy.

Post A Comment
Comment: