ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

After Jane, Mariz and Manolo, sinong ex-PBB All In Housemate ang next na gusto mong gumanap sa MMK?
A. Loisa
8464 vote/s out of 18865
45% Vote

B. Fourth at Fifth
3714 vote/s out of 18865
20% Vote

C. Daniel
1988 vote/s out of 18865
11% Vote

D. Vickie
1346 vote/s out of 18865
7% Vote

E. Joshua
3353 vote/s out of 18865
18% Vote

Total Votes: 18865

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

'Sisterakas' is in the lead of MMFF entries as of the first day of release

12/27/2012 9:01 AM

by: Krissa Donida

Push This

122712-sisterakas_main.jpgSa first day screening ng Sisterakas na ginanap sa Glorietta 4 noong Martes, Araw ng Pasko, sabay-sabay na nanood ang matalik na magkaibigan at co-stars na sina Vice Ganda at Kris Aquino kasama din ang ilan sa mga cast members ng pelikula na sina Daniel Matsunaga, Xyriel Manabat, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo at ang direktor na si Wenn Deramas. Lalo pang pinagkaguluhan ang screening ng pelikula nang kasamang nanood si President Noynoy Aquino para ipakita ang suporta sa kapatid na si Kris. Katabi niyang nanood ang isa pa nilang kapatid na si Viel at mga pamangking sina Josh at Bimby.

Dumalo din para ipakita ang kanyang suporta sa pelikula si Pokwang at ang anak nito, ang ina ni Daniel na si Karla Estrada pati mga kapatid nito ay nasa nasabing screening din. Punong-puno ang sinehan na nasa regular screening schedule kaya’t pati mga regular na manonood sa schedule na ito ay nakasamang manood ang cast at mga VIP na dumalo.

Kaya naman nang makapanayam ng Push.com.ph sina Kris at Vice matapos ang screening, punong-puno ng pasasalamat ang dalawa sa mga nanood at patuloy na sumusuporta sa pelikula nila kasama si Ai-ai de las Alas. Ayon sa Queen of All Media, “Thank you, thank you, thank you sa mga nanood, ang saya kaya.” At nang tinanong ng Push kung anong pakiramdam na ang lakas ng tawa at halakhak ng mga kasama nilang nanood sa loob ng sinehan, “Sobrang saya ano. Nakakakilig talaga.”

Hindi na rin naitago ni Vice Ganda ang saya at tuwa sa reaksiyong ito ng mga kasama nilang nanood pati ang mga reaksiyon na nakukuha din nila sa ibang tao tungkol sa kanilang pelikula. Aniya, “Ako kaya tulala ako kapag first day kapag unang beses ko napanood kasi parang premiere ito e, nakatutok kami sa tao. Kaya hindi ako masyadong nanonood e, nakikinig ako sa mga tao naghihintay ako kung kailan sila magsisigawan. Nakakatuwa kasi ang daming beses na nagpandemonium sa loob ng sinehan.

Kinuha na rin ng Push ang reaksiyon ng dalawa na hindi pa man official na inilalabas ang resulta sa takilya ng Sisterakas ay napakalakas na ito. Ayon kay Kris, “Congrats. Maraming, maraming salamat sa mga nanood at sana huwag kayong madismaya kapag mahaba ang pila it means it’s worth it at masaya.” At ang naging rekasiyon ni Kris sa prediksyon ni Vice Ganda na hihigitan pa ng Sisterakas ang Parybeyt Benjamin, “Okay yes, lets claim it.”

At mula nga sa first day gross na inilabas ng Metro Manila Development Authority, nangunguna ang Sisterakas na kumita na ng 23.1 million pesos, na sinundan ng Si Enteng, Si Agimat at Si Ako na may gross na 17.1 million at pumapangatlo naman ang One More Try na nasa 8.8 milllion pesos.

Comments
Klenny Ramos
12/27/2012 9:12 PM

Blanchezcka katigbak
12/27/2012 2:50 PM
Dpa ako nakakapanood..sa sabado pa kami manood ng mga friends ko..

Kathleen Dungganon
12/27/2012 10:55 AM
grabe talaga panalo ang sisterakas... via ABSCBNPush for WindowsPhone

Post A Comment
Comment: