Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Sam Concepcion tama nga bang tumahimik na lang sa intriga sa kanila ni Anne Curtis?
A. Oo. Ayusin na lang personally para iwas gulo.
28869 vote/s out of 43192
67% Vote

B. Hindi. Dapat ipagtanggol niya din ang sarili niya.
14323 vote/s out of 43192
33% Vote

Total Votes: 43192

Vice Ganda, Kris Aquino and AiAi delas share their Christmas wishes for one another

12/24/2012 12:57 AM

by: Bernie Franco

Push This

122412-aiai_main.jpgMasayang kwentuhan ang nangyari sa The Buzz kahapon sa pagi-guest ng tatlong bida ng Metro Manila Film Fest entry na Sisterakas na sina Vice Ganda, Kris Aquino at AiAi delas Alas kasama ang host na si Boy Abunda.

Tinalakay kahapon ang usapang pag-ibig ng tatlo. Magkakaibigan ang tatlo at sinabi ni Kris na hindi siya nai-insecure sa panibagong closeness sa pagitan nina AiAi at Vice pero may insecurity kapag pinag-uusapan ng dalawa ang kanilang masayang love life habang single si Kris. 

Lately sa mga interviews ni Vice Ganda ay unti-unti na siyang nagiging open pagdating sa kanyang love life kaya sinasabing handa na raw niyang ipakilala sa publiko ang boyfriend niya. “Hindi, ayoko kaya. Ayoko,” nangingiti niyang sagot. May pagka-possessive raw at seloso ang boyfriend ng komedyante at pabirong sinagot ito ni Vice na, “Hindi mo rin siya masisisi.”

Wala namang kiyemeng inamin ni AiAi na ang buo niyang atensyon ngayon ay nakatuon sa kanyang boyfriend na si Jed. Since malalaki na ang kanyang tatlong anak, syempre ay itutuon na lang daw niya ang kanyang pansin sa boyfriend niya. Nagbiro ang Comedy Queen nang tanungin siya na bantay-sarado raw ang boyfriend nito sa aktres. “Oo kasi lagot siya pag wala siya.”

Tinukso naman si Kris sa kasama nila sa pelikula na si Daniel Matsunaga pero matindi ang iling ni Kris sa pagsasabing hindi niya gusto ang Brazilian-Japanese model-turned-actor. “He’s a very nice person, extremely good-looking pero sinabi ko nga ang lahat ng katangian ng isang lalaki na pinagdadasal kong 'wag mapunta sa akin dahil ayoko ng bata, ng gwapo, ng nasa showbiz, lahat ng opposite na gusto ko.”

Nagbigayan din ng wish ang tatlo sa isa't isa. Nauna si AiAi at sinabi niya kay Kris na kahit mayaman na siya at nasa kanya na ang lahat gusto raw niyang may makasama ang kaibigan sa pagtanda nito. Para kay Vice naman ay sana dumami pa ang biyaya ng Un-kabogable Star.  

Sumunod si Vice at sinabi niya na sana ay magtuloy-tuloy ang pagiging masaya ni AiAi ngayon. May halong pagbibiro naman ang wish niya para kay Kris. “Sana talaga magkatuluyan kayo ni Daniel.

Nakikita naman daw ni Kris ang level of maturity kay AiAi sa kasalukuyan at sana ay bumalik ang magandang ginagawa niya sa iba sa kanya. Pinuri ni Kris si Vice sa pagiging matalino nito pero sana raw ay mas maging pasensyoso pa ito at mas maging maunawain sa pagkukulang ng ibang tao sa kanya.  

Post A Comment
Comment: