ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Ano ang masasabi mo sa bagong pag-ibig ni Aiai Delas Alas?
A. She's free to love whoever she wants.
8594 vote/s out of 11486
75% Vote

B. Sana pahinga muna ang puso niya.
2892 vote/s out of 11486
25% Vote

Total Votes: 11486

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Janine Tugonon open to joining show business

12/23/2012 12:04 AM

by: Mika Esperanza

Push This

122312-janine_main.jpgBukas si Miss Universe 2012 first runner-up Janine Tugonon sa pagkakataong pasukin ang show business.
 
Sa panayam ng Umagang Kay Ganda nitong Biyernes, sinabi ni Janine na kontra dito ang kanyang nobyo na si Jaypee Santos pero maari niya itong subukan.  
 
"Hindi ko pa alam. Pero siya ayaw niya. Ako naman OK lang naman pero I don't think na full time. Siguro titignan ko muna kasi hindi rin ako magaling umarte. So, titignan ko muna, iwe-weigh ko muna ang sitwasyon," ani Janine. 
 
Dagdag ni Janine, maari niya munang gawin ang page-endorso o ang paggawa ng commercials at kung maari ay huwag ang proyektong kailangan niyang magkaroon ng leading man.
 
"Okay lang kung endorsement or commercial. Ayaw niya lang na may ka-love team or ka-eksena. Naiintindihan ko siya, kasi kung ako rin naman ang nasa pwesto niya, ayaw ko rin ng mayroong ganoon. Hindi ba siguro kailangan kong mag-submit sa kanya at gusto kong i-save ang relationship namin," dagdag nito.
 
Dahil na din sa pagiging bukas nito sa kanyang  buhay pag-ibig, sinagot din ni Janine ang tanong kung malapit lapit na ba siyang ikasal. 
 
"Actually napag-uusapan naman namin 'yon. I mean, kami naman pareho ay sigurado na sa isa't isa. Pero sa ngayon ay masyado pang maaga for that. Parang marami pang kailangang asikasuhin. Marami pang dapat paghandaan. Hindi rin ganoon kadali pumasok sa ganoong estado, hindi ba? So, ngayon, siguro ay enjoy muna namin."
 
Nakatakdang dumating si Janine ngayong weekend para magdiwang ng Pasko kasama ang kanyang pamilya at iba pang mahal sa buhay.

Comments
Dianne Ponti
12/23/2012 4:22 AM
We are so proud of you Janine!

Post A Comment
Comment: