ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Aling 2014 celebrity engagement ang pinaka bongga para sa iyo so far?
A. Airport proposal ni JC Intal kay Bianca Gonzalez
655 vote/s out of 7059
9% Vote

B. Flash mob proposal ni John Prats kay Isabel Oli
5642 vote/s out of 7059
80% Vote

C. Ang last dance on-air nina Dingdong Dantes at Marian Rivera
563 vote/s out of 7059
8% Vote

D. Resort get-away ni Chiz Escudero and Heart Evangelista
199 vote/s out of 7059
3% Vote

Total Votes: 7059

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Janice de Belen is confident that 'The Strangers' will do well at the box-office

12/20/2012 8:08 AM

by: Bernie Franco

Push This

122012-janice_main.jpgAminado si Janice de Belen na kahit siya ay overwhelmed sa magandang takbo ng kanyang career ngayong taon. Aside from teleseryes and a showbiz-oriented talk show, anim na pelikula rin ang nagawa ni Janice in 2012, dalawa sa mga yun ay kabilang sa Metro Manila Film Fest: ang Shake, Rattle & Roll 14 at The Strangers.

Happy naman si Janice sa parehong pelikula at sinabi niyang malaki man ang hamon, proud siya sa kinalabasan ng mga ito. “It’s something to be proud of already. Ang ganda-ganda ng mga entries. It’s a challenge for everybody but that’s what makes us even better, the challenge. You work hard, you really put yourself out there.”

Aniya, magkaiba ang dalawang pelikula pero proud siya sa kinalabasan ng mga ito. “Magkaibang-magkaiba. Magkaiba talaga. While they’re both very different from the normal things I usually portray, magkaiba pa rin sila,” aniya.

Pagdating naman sa The Strangers, mas pisikal naman umano ang naging hamon sa kanya sa paggawa ng pelikula na pinagbibidahan din nina Enchong Dee, Julia Montes, Enrique Gil, JM De Guzman, at Cherry Pie Picache. “Kahit na gumagawa ako ng horror, medyo mahirap ito. Medyo mahirap in terms of schedule, in terms of kung saan kami nagsu-shoot. Mahirap siya tsaka parati kaming gabi [nagsu-shoot],” kwento niya.

Direktang tinanong ang aktres kung sa tingin niya ay may laban ang The Strangers pagdating sa box-office. Ang buong kumpiyansa niyang sagot, “Oo naman, lahat naman may laban.”

Ibinida rin ni Janice na sa palagay niya ay magaganda ang mga entries this year. “I think because of the eight good films, panonoorin naman ang eight good films,” aniya.

Post A Comment
Comment: