ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Ano ang masasabi mo sa napapabalitang hiwalayan muli nina Luis Manzano at Angel Locsin?
A. Sayang naman. Sana maayos pa nila ang relasyon nila.
3657 vote/s out of 4713
78% Vote

B. Ganun talaga. Kung di talaga meant to be, mahirap ipilit.
408 vote/s out of 4713
9% Vote

C. Paandar lang yan.
276 vote/s out of 4713
6% Vote

D. Dedma!
372 vote/s out of 4713
8% Vote

Total Votes: 4713
kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

KZ Tandingan talks about the changes in her life after winning 'X-Factor Philippines'

12/19/2012 9:39 AM

by: Bernie Franco

Push This

121912-kz_main.jpgSobra-sobra na raw ang mga dumarating na biyaya para sa kauna-unahang X-Factor Philippines Grand Winner na si KZ Tandingan. Kung may mahihiling pa raw siya, hindi na iyon para sa kanya kundi para sa mga taong mahal niya. “Sana tuloy-tuloy ang mga projects, sana mas dumami ang mga projects, sana mas maging masaya,” pahayag ng singer.

Kaya naman sa kanyang sobrang busy schedule, ang plano lang ni KZ ay ipagdiwang ang Pasko kasama ang kanyang mga mahal sa buhay. “Gusto ko sanang i-spend ang Christmas with my family in a different way. Ngayon medyo pwede na kaming kumain sa Christmas ng mas masarap,” pagbabahagi niya.

Dahil baguhan pa lamang si KZ, inamin niyang napi-pressure siya sa pagpe-perform sa stage especially kapag may mga ka-duet siyang sikat na mang-aawit. “Siyempre nakaka-pressure pero go lang ng go. Siyempre pangarap ko na ito, kaya kailangan gawin mo na ‘yung best mo every time magpe-perform ka.”

Sabi ng 20-anyos na singer, kung magkaka-boyfriend man siya ay hihintayin na lang niya kung kailan ito darating. “Kung love lang I have all the love na kailangan ko,” katwiran ni KZ.

Umaasa rin ni KZ na sa susunod na taon ay mailabas na ang kanyang debut album. Ngayon ay nagko-concentrate muna siya sa mga singing engagements niya, like in ASAP.

Tuwang-tuwa ngang ibinahagi ni KZ na magkakaroon siya ng concert sa Singapore at first time na makakapag-out-of-the-country. “Last time ko nga pong nakasakay ng eroplano Grade five pa ako, ngayon parang every week. Uuwi ako sa amin overnight [lang]. Kumakanta ako sa ASAP bingi-bingihan pa ako,” natatawa niyang kwento.

Post A Comment
Comment: