ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Anong MMFF entry ang una mong papanoorin sa Christmas Day?
A. Amazing Praybeyt Benjamin
2777 vote/s out of 5023
55% Vote

B. Bonifacio: Ang Unang Pangulo
513 vote/s out of 5023
10% Vote

C. English Only Please
337 vote/s out of 5023
7% Vote

D. Feng Shui 2
587 vote/s out of 5023
12% Vote

E. Kubot: The Aswang Chronicles 2
111 vote/s out of 5023
2% Vote

F. Magnum 357
74 vote/s out of 5023
1% Vote

G. My Big Bossing
443 vote/s out of 5023
9% Vote

H. Shake Rattle and Roll XV
181 vote/s out of 5023
4% Vote

Total Votes: 5023

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

JM de Guzman is not concerned about other people's opinion of him

12/18/2012 10:11 AM

by: Bernie Franco

Push This

121812-jm_main.jpgKatatapos lang ng teleseryeng Angelito: Ang Bagong Yugto na pinagbibidahan ni JM de Guzman. Aniya, mami-miss niya sa mga kasamahan ang kulitan nila at marami raw siyang natutunan sa kanyang mga katrabaho pati na rin sa kanilang direktor.

Sa kabila nito, may mga usap-usapan na masama umano ang loob ng aktor dahil sa halip na tapusin ito ng February 2013 ay napaaga ang pagtapos dito. Ang tugon ni JM dito, “Ayoko na ring… wala naman ako sa posisyon kasi aktor din lang po ako. Kinuha din lang ako ng ABS-CBN pero mas maganda sana kung may trabaho pa rin kami pero umaasa pa rin ako na sana mabigyan pa kami [ng pagkakataon].” Sa ngayon daw ay wala pa siyang alam na susunod niyang proyekto pero hopeful ang binata na magkakaroon siya ng proyekto.

Hindi raw talaga niya alam ang dahilan sa maagang pagtapos ng kanilang teleserye pero paliwanag naman ni JM, “Di ko po alam [ang dahilan] pero sa tingin ko ‘yung motibo naman po ng istorya natumbok po namin. Batang ama po so ‘yun ang dapat niyang gawin, ‘yung gagabay sa kanya para gawin ang tama.”

Isang suhestyon na ibinigay kay JM ay ang posibilidad na kung noong una ay mataas ang ratings ng Angelito, marahil ang posibleng pagbaba ng ratings nito ang naging dahilan para tapusin na ang teleserye. “Kasi ako po ginagawa ko na lang po ‘yung trabaho na in-assign sa akin. Kung may problema po sa ratings, kami naman po ‘yon, eh. Kami pong grupo from the creative (team) to the director.”

Aminado rin si JM na malaki ang pressure na naramdaman niya sa teleserye since siya ang title role. Hindi ikinakaila ni JM na dahil sa pressure kung minsan ay hindi raw maiwasan ang magkamali sa taping subalit sinisikap niyang gawin ang best niya.

May mga nagsasabi rin na mabait si JM pero minsan ay hindi masakyan at mabasa ang ugali. Wala naman daw siyang control sa iisipin ng iba kaya ayaw nang mag-dwell doon ni JM.

Bago ako mag-start sinabi ko na po na magri-risk ako. Isipin na nila kung ano ang gusto nilang isipin sa akin. Ginagawa ko rin ito para sa kanila. Gusto ko as much as possible ‘yung magawa kong proyekto ‘yung outcome non gusto ko masasabi ko at sigurado ako sa sarili ko na buong puso kong ibinigay and di ako natakot kung magkamali man. Alam kong mapapatawad ako kasi maganda ang intensyon ko.”

Sa mga hindi naman daw nakauunawa sa kanya, ang tugon ni JM, “Di naman po ako titigil na patunayan na maganda po ang intensyon ko para din po sa kanila.”

Gagawin din ni JM ang pelikula tungkol sa buhay ni Pero Calungsod pero for the mean time ay gusto muna raw niyang i-enjoy ang Pasko.

Post A Comment
Comment: