ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

After Jane, Mariz and Manolo, sinong ex-PBB All In Housemate ang next na gusto mong gumanap sa MMK?
A. Loisa
8408 vote/s out of 18701
45% Vote

B. Fourth at Fifth
3676 vote/s out of 18701
20% Vote

C. Daniel
1968 vote/s out of 18701
11% Vote

D. Vickie
1333 vote/s out of 18701
7% Vote

E. Joshua
3316 vote/s out of 18701
18% Vote

Total Votes: 18701

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Angelica Panganiban says it's unnecessary to tell John Lloyd Cruz about her love scenes

12/17/2012 12:43 AM

by: Bernie Franco

Push This

121712-angelica_main.jpgNapag-usapan sa The Buzz kahapon kung nagseselos ba si John Lloyd Cruz sa mga nakakapareha ng kanyang girlfriend na si Angelica Panganiban sa mga proyekto nito at kung nagseselos din ito kapag nagkakaroon ng mga intimate scenes si Angelica with her leading men. Sinabi ni Angel na hindi naman ganoon si John Lloyd. Dagdag pa niya, “Saka po unang-una hindi ko naman po sa kanya sinasabi na, ‘Hey, today ito ang kukunan namin.’ Medyo nakaka-off naman ho ‘yon, ayaw mo naman may iniisip siya. Ayoko naman siyang bigyan ng ganun bilang nagtatrabaho din ho siya,” tugon ng aktres.

Anang aktres, last year ay nagkita na si John Lloyd at ang ama ni Angelica nang magkaroon sila ng Star Magic Tour sa US subalit sobrang sandali lang iyon. Naipakilala rin ni Angelica ang iba pa niyang kapwa artista. Hindi pa raw sila noon ni Lloydy. Kapag nakukwento naman daw ni Angelica sa kanyang daddy about Lloydy ay naaalala naman  niya nito. 

Very proud naman ni Angelica sa boyfriend niya na itinuturing isa sa mga pinakamahusay na aktor sa henerasyong ito. “Nakaka-pressure, parang sa TV ko lang napapanood ‘yon. 'Pag may pelikula siya first day nakikipagsiksikan ako, nanonood talaga ako,” pag-amin niya. Nagkatrabaho rin sila noon sa Maging Sino Ka Man. “Kapag nakakaeksena ko siya sa Maging Sino Ka Man talagang nanginginig ako sa kaba. ‘Naku, baka magkamali ako. Nakakahiya naman ang galing-galing niya,’” pagbabahagi ni Angelica.

With her upcoming movie na One More Try, naitanong ni  Boy Abunda sa aktres kung nailang ba silang dalawa ni Dingdong Dantes sa kanilang mga intimate scenes. Aniya, February pa lang this year ay nakukwento na sa kanila ‘yung pelikula kaya’t sa loob ng halos isang taon ay napaghandaan na nila ito. “Ganun na rin kahaba ang pinagsamahan naming lahat,” anang aktres. 

Aminado rin si Angelica na ito ang kanyang pinakamapangahas at pinakakritikal na role. Sa pelikulang ito ay marami silang komprontasyon ni Angel Locsin at sinabi ni Angelica na naging buhos ang kanilang pagganap dito para maibigay ang hinihingi sa kanila ng direktor na si Direk Ruel Bayani. “Imposible ho ‘yung 'di madadala sa eksena kasi parang 'pag nagkontrol ka baka ho sumablay at makikita ho ‘yon ng tao, parang di totoo ‘yung sampal. Hindi ho siguro magandang term ‘yung nadala. Parang ibinigay lang ho namin parehas kung ano ‘yung hinihingi sa amin.”

Post A Comment
Comment: