ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

After Jane, Mariz and Manolo, sinong ex-PBB All In Housemate ang next na gusto mong gumanap sa MMK?
A. Loisa
8362 vote/s out of 18557
45% Vote

B. Fourth at Fifth
3635 vote/s out of 18557
20% Vote

C. Daniel
1950 vote/s out of 18557
11% Vote

D. Vickie
1321 vote/s out of 18557
7% Vote

E. Joshua
3289 vote/s out of 18557
18% Vote

Total Votes: 18557

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Angel Locsin says she is not yet ready to be a mother

12/17/2012 12:38 AM

by: Bernie Franco

Push This

121712-angel_main.jpgIsang hamon para kay Angel Locsin ang tanggapin ang kanyang role sa upcoming Metro Manila Film Fest entry na One More Try dahil ginagampanan niya rito ang role ng isang ina na hindi pa niya nararanasan sa kanyang buhay. 

Sa The Buzz kahapon, ibinahagi ng aktres kung paano siya napapayag na tanggapin ang role. “Nung una may hesitation talaga ako na handa na ba akong tumanggap ng role bilang ina kasi di ko pa ho nae-experince. Ang challenge sa akin kung kakayanin ko ba,” simula ni Angel. Subalit sobra raw siya nagandahan sa istorya at nakita niya na hindi madali ang nasabing papel. Isa raw sa mga nakakapagpa-excite kay Angel ay ang mga roles na hindi pangkaraniwan. Iyon din daw ang dahilan kung bakit mahilig siya gumawa ng action dahil talagang natsa-challenge siya.

Hindi rin itinanggi ni Angel na choosy siya sa mga roles. “Dapat naman ho talaga,” katwiran pa niya. “Opo mapili talaga ako sa projects kasi inaalagaan ko talaga ‘yung sarili ko dahil hindi naman lahat pwede mong tanggapin, hindi naman lahat babagay sa ‘yo, hindi naman lahat kaya mong gawin, so pipili tayo ng proyektong makakatulong sa career natin, makakapagbigay-ligaya sa tao kesa sa maiinis sila.”  

Sa One More Try ay may mga love scenes si Angel kina Dingdong Dantes at Zanjoe Marudo kaya naitanong sa kanya kung hindi ba nagseselos ang kanyang boyfriend na si Phil Younghusband. “Naiintindihan niya po ang trabaho ko at sinusuportahan niya ako,” sagot ng aktres.  

Itinanong din ng The Buzz host na si Boy Abunda kay Angel kung ano ang pakiramdam niya na naikukumpara sila ni Angelica Panganiban, na kasama rin niya sa One More Try kay Nora Aunor pagdating sa acting. “Nahihiya po ako. Nahihiya po talaga ako. Masaya ka na naa-appreciate ka ng tao.” Gayunpaman nakakaramdam daw siya ng panliliit na maikumpara siya sa Superstar, pero malaking karangalan din na maikumpara sa kanilang mga iniidolo. 

Sa tanong naman kung handa na ba siyang maging isang ina, sinabi ni Angel na hindi pa niya kayang harapin ang ganitong responsibilidad sa ngayon. Dahil daw sa kanyang role ay napagtanto ni Angel na ang buhay ng isang ina ay iikot na sa kanyang anak kaya naman gusto niyang maging handa talaga bago siya dumating sa puntong iyon ng kanyang buhay. 

Post A Comment
Comment: