ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Agree ka ba kung maging Kapamilya si Aljur Abrenica?
A. Oo, the more stars, the merrier!
16676 vote/s out of 31974
52% Vote

B. Hindi, dun na lang siya sa ibang network.
15298 vote/s out of 31974
48% Vote

Total Votes: 31974

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Kathryn Bernardo is optimistic that Albie Casiño will have another chance again in showbiz

12/15/2012 11:10 PM

by: Bernie Franco

Push This

121612-kathryn_main.jpgKamakailan ay kinunan ng reaksyon si Kathryn Bernardo hinggil sa pahayag ni Albie Casiño noong nakaraang Linggo, December 9 sa The Buzz. Naging guest si Albie sa nasabing episode at sinabi niya na masaya siya sa narating ng kanyang dating leading lady na si Kathryn at umaasa siya na magkakatrabaho rin sila in the future. Nagtambal sina Albie at Kathryn sa Mara Clara

Itinanong kay Kat kung siya ba ay may nararamdamang panghihinayang na naudlot agad ang team up nila ni Albie. “Syempre andun ‘yung nanghihinayang ka kay Albie kasi nakikita mo sa kanya na andun ‘yung looks, (at) ‘yung talent made-develop and everything,” simula ng aktres. “Sayang pero dumadaan naman talaga tayo sa ganyan sa buhay. I’m sure magkakaroon ulit ng chance si Albie kung gugustuhin niya.” 

Dagdag pa niya na may dahilan ang lahat ng nangyayari at kung hindi raw ‘yon nangyari ay hindi sana sila naging mag-love team ni Daniel ngayon. 
Hopeful siya na makabawi si Albie sa mga pinagdaanan niya. “Malay natin mga ilang years may mangyaring maganda di ba? Di natin alam.” 

Tinukso naman si Daniel kung naghahangad ba siya na maging pa closer sila ni Kathryn kahit na tinuturing nilang best friend ang isa’t isa. “Choosy pa (ba) ako?” pagbibiro ng aktor. Gayunpaman, sinabi ni Daniel na bawal pa ngayon na magkaroon sila ng relasyon dahil masyado pa silang bata at gusto nilang maging magandang huwaran sa mga kabataan. 

Naitanong naman ng Push.com.ph kay Kathryn kung saan nanggagaling ang kanyang control na huwag munang makipagrelasyon sa ngayon. “Kasi siguro parati kong iniisip na andyan kasi sina Mama para i-guide ako, parati akong i-remind sa mga bagay-bagay,” sagot niya. “Di ko masasabi na perfect ako, andun ‘yung kailangan kong intindihin sila na andito na, eh, so wag natin sayangin. Pero wag muna masyado (maging close) na nasasakal ka. Alam natin i-handle, ‘yun ang importante.”  

Comments
faci de asis
12/19/2012 2:39 AM
I like her very much as an actress and as well as her personality. She is indeed unique among her peers. I like KathQuen love team too. They compliment each other. Both are very adorable and have very pleasing personality. Albie is ok, hope he can bounce back, but for Kath's love team, not so sure.

cristian soriano
12/17/2012 6:28 AM
sweet :)

Post A Comment
Comment: