ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Who's the most daring at the Bench Naked Truth Fashion Show?
A. Jake Cuenca
1647 vote/s out of 5257
31% Vote

B. Tom Rodriguez
3057 vote/s out of 5257
58% Vote

C. Richard Gutierrez and Sarah Lahbati
279 vote/s out of 5257
5% Vote

D. Ellen Adarna
152 vote/s out of 5257
3% Vote

E. Martin Del Rosario
122 vote/s out of 5257
2% Vote

Total Votes: 5257

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Dominic Roque reveals he has a new show and a new love team partner

12/15/2012 11:00 PM

by: Krissa Donida

Push This

121612-dominic_main.jpgSa ekslusibong panayam ng Push.com.ph kay Dominic Roque, masayang-masaya ito sa patuloy na tagumpay ng seryeng Aryana. Kinumpirma din ni Dominic na mayroon na rin siyang bagong proyekto na aabangan ng mga sumusuporta sa kanya. “Actually itong bagong show this coming 2013, yung May Isang Pangarap. Thankful kasi may bagong show bago matapos ang Aryana.

At inamin ni Dominic na ito na rin ang katapusan ng love team nila ng co-star sa Aryana na si Ella Cruz. “Parang ganun na nga po.” Kaya naman nung tinanong ng Push kung paano na ang fans ng kanilang tambalan, ibinhagi niya ang kanyang saloobin. “Kasi po dun sa Aryana tatlo kami na love team ni Aryana so hindi namin alam kung kanino siya mapupunta or kanino mageend up si Aryana. Parang ganun so medyo magde-detach.” Ang iba pang ka-love team ni Ella ay sina Francis Magundayao at Paul Salas.

Nakakaramdam na ba siya ng separation anxiety ngayon na malapit na matapos ang Aryana? “Wala naman pong anxiety na ganun. Enjoy-enjoy lang kami kasi trabaho lang naman. Magbabarkada pa rin naman kami kasi kahit hindi naman sa Aryanalumalabas kami.”

Dagdag pa ng binata na kamakailan nga ay napag-usapan nila ni Ella ang kanyang bagong show. “Recently lang kasi nasabi sa akin itong show so ang sinabi niya lang, ‘Uy may bago ka nang show. Galingan mo ha, good luck sa iyo ha.’ Pero wala naman,’Uy ikaw ha,’ wala namang ganun.

Dahil sa tatlo silang katambal ni Ella, nahihirapan ba siyang mag-stand out sa show? “Siguro marami pa akong dapat patunayan sa showbiz. Kasi bago pa lang ako so sa tingin ko marami pa akong dapat gawin kasi kakasimula ko lang din this next year. Mas maganda din siguro yung paiba-iba kang ginagawa, hindi yung nagsta-stay ka sa mas okay o kung saan ka magaling.”

At kasabay nga nito, kinumpirma ni Dominic na may bago na siyang katambal sa bago niyang proyekto. “Meron. Actually bago rin lang siya, she is Erin Ocampo so siya yung magiging bagong kalove team dito.” Nang tinanong ng Push kung kabado ba siya kung papatok ang bagong tambalang ito, aniya, “Para sa akin gagawin ko lang ang trabaho ko. Praying na maging maganda at tangkilikin din ng mga tao.”

Ngunit hindi niya pa rin kinakalimutan ang mga tagahanga ng tambalan nila ni Ella at nag-iwan pa nga ito ng mensahe. “Sana kahit hindi na kami magkasama ni Ella, sana suportahan niyo pa rin kami, suportahan niyo pa rin ako sa bagong show namin.”

Post A Comment
Comment: