ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

After Jane, Mariz and Manolo, sinong ex-PBB All In Housemate ang next na gusto mong gumanap sa MMK?
A. Loisa
5891 vote/s out of 12804
46% Vote

B. Fourth at Fifth
2225 vote/s out of 12804
17% Vote

C. Daniel
1342 vote/s out of 12804
10% Vote

D. Vickie
943 vote/s out of 12804
7% Vote

E. Joshua
2403 vote/s out of 12804
19% Vote

Total Votes: 12804

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Kathryn Bernardo and Daniel Padilla feel pressured because of their launching movie

12/14/2012 8:33 AM

by: Bernie Franco

Push This

121412-kathniel_main.jpgRecently ay nagkaroon na ng story conference para sa launching movie ng tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Slated for 2013 ang nasabing pelikula ng isa sa mga pinakasikat na young love team ngayon.

Sa kabila ng magandang balitang ito ay kabado rin ang dalawa dahil alam nila na sukatan talaga ang kanilang movie kung malakas ba o hindi ang kanilang hatak sa mga manonood. Bago pa man magtapos ang taon ay nakagawa pa ng magkasunod na pelikula ang dalawa, ang 24/7 In Love at ang upcoming Metro Manila Film Fest entry ng Star Cinema na Sisterakas. Secondary lead sina Kathryn at Daniel sa comedy film na pinangungunahan nina Vice Ganda, Kris Aquino at Ai-Ai de las Alas.

Di pa rin nagsi-sink in sa amin ‘yung sinasabi nila sa amin, na sinabi nga nila na from 24/7 In Love, Sisterakas, to this movie na kami na talaga [ang bida],” simula ni Kathryn. “Medyo pressured syempre kasi movie [ito]. Happy na binigyan kami ng project na dream naman talaga namin ‘yonkami ni DJ (Daniel)—pero medyo kinakabahan.”

Sinang-ayunan naman ni Daniel ang sinabi ni Kat at mas naramdaman din daw niya talaga ang kaba. “Nung una di pa ko kinakabahan tapos nakikita ko si Kat parang di na nagsasalita, parang biglang nag-sink in sa akin, ‘Oh my gosh, magkakaalaman na tayo dito.’”

Humirit pa ng biro si Daniel na, “Pwede bang bumack-out muna? Pwede bang maghanda muna? Pero hindi. Alam mo ‘yun, napi-feel mo na dito na magkakaalaman. Ito na ang magiging basehan pero siyempre kahit anong mangyari ibibigay namin lahat, kung positive man o negative ‘yung mangyari.

Hindi pa makapagbigay ng ibang detalye ang dalawa pero inaasahang romantic-comedy o rom-com ang genre ng kanilang launching movie. “Feeling ko magandang simulan ang launching movie namin sa hindi muna masyadong mabigat, for age namin; about growing up para hindi mamadali,” paliwanag ni Kat.

Ayon naman kay Daniel, mas preferred din niya ang rom-com dahil mas magaan ito. “Ayoko nung iyakan, lungkot, bigat sa puso. Ayokong makaramdam nun, ka-bad trip. Gusto kong maramdaman masaya lang ako parati. Masaya ‘yung rom-com kasi kinikilig ka na, masaya ka pa. Saan ka pa, ‘di ba?

Maganda nga raw na patikim para sa mga fans ang kanilang pagkakabilang sa Sisterakas.Hindi ganun karami ang kilig scenes para dito [sa Sisterakas]. [Sa launching movie] nila abangan. Pero meron naman silang mapapanood [na] kilig [sa Sisterakas],” paniniyak ni Kathryn.

Ayon pa kay Daniel, kabado siya nang makatrabaho sina Vice, Kris at Ai-Ai sa Sisterakas dahil nakita niya kung gaano kahusay ang tatlo sa pag-arte. “Ang galing nila. Kahit ano pwede nilang gawin kasi alam na nila lahat, ganun. Kahit alam mo ang gagawin mo pagdating mo, parang ayoko nang magsalita.” Sinabi naman ni Kat na nakita niya kung gaano kahusay ang tatlo sa pagpapatawa.

Comments
Jmicah Lapore
12/15/2012 9:25 PM
Good Luuuuuuuuck! ;) We will watch that. ;)))))

jexa denise maipid
12/14/2012 8:22 PM
we will support you guys!!

mariezel pinon
12/14/2012 6:20 PM
Cute ?

jai domingo
12/14/2012 2:09 PM
This is a cute pair, but is targeted for younger audience kaya dapat bakasyon ang showing ng movie. This will be a good test kung sikat na talaga sila beyond Twitter (ehem JuliElmo) hehe! Good luck! Ang cute ni Daniel =)

muratsky kathniel
12/14/2012 9:25 AM
asahan niyo ang suporta namin! KathNiel FTW! :)))

Post A Comment
Comment: