ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Which album is in your playlist?
A. Kim Chiu's "Chinita Princess"
125530 vote/s out of 210234
60% Vote

B. Nadine Lustre's self-titled album
24218 vote/s out of 210234
12% Vote

C. Kathryn Bernardo's self-titled album
58112 vote/s out of 210234
28% Vote

D. Alex Gonzaga's "I Am Alex G"
1931 vote/s out of 210234
1% Vote

E. All of the above
443 vote/s out of 210234
0% Vote

Total Votes: 210234

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Richard Yap on showbiz success: 'I'm not after it for the fame'

12/13/2012 9:12 AM

by: Bernie Franco

Push This

121312-richard-main.jpgKabilang sa mga guests na dumalo sa free Bida Kapamilya concert ng ABS-CBN na ginanap sa Quezon City Circle noong Sabado, December 8, ay ang lead stars ng Be Careful With My Heart na sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap Masaya si Richard, na mas kilala bilang Sir Chief, ang kanyang character sa top-rating morning teleserye, na makasama sa nasabing event.


“It’s a way of giving back to people na nagsusuporta sa atin, so maganda ito na we’re part of this para makita ng mga fans na we’re very thankful to them,” malugod na pasasalamat ng businessman-turned-actor.

Samantala, excited na ibinahagi ni Richard sa ilang press people na marami pang kapana-panabik na aabangan sa kanilang teleserye. “Marami pa kasi malaking developments sa mga characters dito, not only with Jodi but also with the rest of the characters, so you have something to look forward to sa lahat ng characters,” anang aktor.

Isa si Richard sa mga actors this year na pumaimbulog sa showbiz at ang mga karakter na ginampanan niya ay talaga namang nagmarka. Naitanong ng Push.com.ph sa kanya kung sa palagay ba niya ay ganap na siyang aktor ngayon. “An actor in the making. I’m learning along the way,” mapagkumbaba niyang sagot.

Kabilang sa mga hinahangaan niyang mga artista ay ang mga beterano na kagaya nina Eddie Garcia at ang yumaong Comedy King Dolphy. Vilmanian din daw siya.

Kahit ang recording ay pinasok na rin ni Richard dahil may mga kanta rin siyang ini-record sa soundtrack ng Be Careful With My Heart at hopeful din siya na maging successful ito kagaya ng kanilang teleserye. 

With his success in the showbiz industry, naitanong kay Richard kung hinahangad din ba niyang maging character actor in the near future pero ang sabi niya, mas mahalaga raw sa kanya na nage-enjoy siya at marami ang nae-entertain niya.

“For me trabaho lang ito. I’m not after it for the fame. It works so far, I’m enjoying it [and] okay na sa akin ‘yon. We got the Anak TV Seal award so maganda na ‘yon para sa amin,” ani Richard. Sina Richard and Jodi ang recipients ng male and female Favorite Anak TV Makabata Stars trophies habang ang kanilang show ay naideklarang isa sa mga Top Ten Most Well-Liked TV Programs sa 11th Anak TV Seal Awards.

Comments
jai domingo
12/14/2012 2:11 PM
Sana kasama si Papa Chen sa movie ng KimXi, nakakamiss ang My Binondo Girl =)

Post A Comment
Comment: