ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

After Jane, Mariz and Manolo, sinong ex-PBB All In Housemate ang next na gusto mong gumanap sa MMK?
A. Loisa
8427 vote/s out of 18762
45% Vote

B. Fourth at Fifth
3691 vote/s out of 18762
20% Vote

C. Daniel
1978 vote/s out of 18762
11% Vote

D. Vickie
1336 vote/s out of 18762
7% Vote

E. Joshua
3330 vote/s out of 18762
18% Vote

Total Votes: 18762

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Piolo Pascual explains the story behind the photograph of him kissing Maja Salvador

12/11/2012 10:00 AM

by: Krissa Donida

Push This

121112-piolo_main.jpgNakapanayan ng Push.com.ph si Piolo Pascual at nilinaw nito ang kwento sa likod ng lumabas na litrato nila ni Maja Salvador na akmang naghahalikan sa loob ng kotse ng actor. “I was coming out of a run sa Sunlife last week tapos nag-Star Magic gives back concert kami. I was driving out of McKinley, nakita ko siya, nagpaalam ako. Then she suddenly rode in my car tapos yun, may pumicture na we were going to kiss tapos yun na.”

Kaya naman sa paglilinaw na ito ni Piolo, pinaklaro na rin sa kanya ang mga usapang may namamagitan sa kanila ni Maja. “I am friends with Matteo (Guidicelli) as well, and Maja is a nice girl as well, busy sa trabaho ayun.” Maaring ang pareho nilang pagiging single ang dahilan ng patuloy na panunukso sa kanila. “Oo, siguro, pero lokohan lang iyon wala yun.”

Napag-usapan din ang pinakabagong proyekto sa telebisyon ni Piolo, ang Apoy Sa Dagat kung saan kasama niya si Angelica Panganiban. “Nakakaoverwhelm. Its something new, something different. My role is Ruben, isa akong mangingisda dito na naampon natin si Angelica, si Rina. Tapos yun magkasama na kami hanggang sa tumanda kami tapos pagtanda kailangan magtrabaho e medyo hindi ako matalino dito. Gusto ko maging seaman hindi nangyari kaya siya (karakter ni Angelica) na lang ang gumawa ng paraan para mabuhay. Dun pumasok ang conflict sa love story namin, kinailangan niyang magtrabaho para sa amin, yung pagpasok niya sa siyudad dun kami nagkaroon ng problema at kung paano ko babawiin yung mahal ko.

Sa dinami-rami na rin na ginampanan ni Piolo sa telebisyon, ano pa nga ba ang kakaibang makikita sa kanya sa seryeng ito? “That is why I am excited, I am happy how Star Cinema was able to come up with a different character and malayo naman from being a priest sa Dahil sa Pag-ibig. So iba yung dynamics niya as a character so malalaro, mabibigyan natin ng magandang interpretation kasi marami siyang mapupuntahan at pwedeng gawin.”

At sa nalalapit na Pasko, ibinahagi din ni Piolo kung paano niya ipagdiriwang ang okasyong ito. “I am going to the States this Christmas, I am going to spend it with my son and family so I am leaving before Christmas.” Babalik din siya agad pagkatapos ng Bagong Taon dahil sa mga trabahong nakalinya sa kanya, isa na rin dito ang On The Job’na pelikula kasama si Gerald Anderson at marami pang iba.

Comments
krys candaba
12/16/2012 12:16 PM
Nakipaghalikan pala si Maja sa kapwa babae. hay tralaalla

hei nez
12/12/2012 10:14 AM
kim robi loveteam na lng pls abs cbn,,,,
robi enchong enrique sam c. 4 comedy sitcom 4 a change lng...

Post A Comment
Comment: