ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Agree ka ba sa desisyon ni Julia Barretto na baguhin ang kanyang apelido?
Hindi
19894 vote/s out of 21977
91% Vote

Oo
2083 vote/s out of 21977
9% Vote

Total Votes: 21977

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Albie Casiño reveals what he regrets the most in his life

12/09/2012 11:07 PM

by: Bernie Franco

Push This

121012-albie2_main.jpg

Sa The Buzz kahapon ay naging guest si Albie Casiño at dito ay tinanong siya hinggil sa ilang isyu about his life and career. 

Dahil sa kinasangkutang gulo ni Albie before kung saan binugbog umano siya sa isang bar sa Makati, at sa pagkaka-involve niya kay Andi Eigenmann marami ang humusga sa aktor. Kung siya ang tatanungin, ilalarawan umano ni Albie ang sarili bilang isang regular guy. “I get happy, I get sad, I get angry, I get depressed. I was brought up to be very simple, eh,” dagdag niya.

Sa isyung basagulero umano siya, ani Albie, “Di naman ako basagulero. I have gotten in fights in high school but who hasn’t, 'di ba? I’m very patient with people.” 

Naniniwala rin daw siya na misunderstood siya. “What people think of you is only what they understand of you, eh. Ever since I got into showbiz I tried to keep my personal life personal so I understand din also why people judge me like that. They only know what they see, they don’t really know me naman talaga.” 

Sa lahat umano ng pinagdaanan niya, ang pinakamasakit daw ay ang pagbibigay niya ng 'di magandang reputasyon sa pangalan ng kanyang pamilya. “Through all of these nadamay my mom, my dad so every time you hear the name Casiño, masama na ‘yong tingin mo, it’s not like that naman.” Dahil naman daw close-knit family sila, nagkaroon daw siya ng solid support group nang naging sentro siya ng intriga.  “When one of us is having a hard time, we really get behind that person.” Lubos-lubos naman ang pasasalamat ni Albie sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang ina na nagtanggol sa kanya nang nagkaroon siya ng issue. 

Nakilala si Albie sa mundo ng showbiz dahil sa teleseryeng Mara Clara kung saan naging partner niya si Kathryn Bernardo. Sa ngayon daw ay masaya siya para kay Kathryn sa kanyang kasikatan ngayon. “I’m very happy for her now. I saw a magazine that she’s the cover last night, she looks really good now. She’s really pretty now. I don’t regret much because there’s no use thinking about what could have happened, what should have happened,” paniniyak niya.

Nang tanungin naman siya ni Charlene Gonzales kung in a relationship na siya, ang paiwas na tugon ni Albie, “No comment.”

Post A Comment
Comment: