ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Anong MMFF entry ang una mong papanoorin sa Christmas Day?
A. Amazing Praybeyt Benjamin
1643 vote/s out of 2937
56% Vote

B. Bonifacio: Ang Unang Pangulo
297 vote/s out of 2937
10% Vote

C. English Only Please
202 vote/s out of 2937
7% Vote

D. Feng Shui 2
337 vote/s out of 2937
11% Vote

E. Kubot: The Aswang Chronicles 2
50 vote/s out of 2937
2% Vote

F. Magnum 357
43 vote/s out of 2937
1% Vote

G. My Big Bossing
258 vote/s out of 2937
9% Vote

H. Shake Rattle and Roll XV
107 vote/s out of 2937
4% Vote

Total Votes: 2937

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Eugene Domingo says 'Himala' made an impact on her

12/06/2012 8:30 AM

by: Krissa Donida

Push This

120612-eugene_main.jpgSa ginanap na premiere night ng digitally remastered at digitally restored na pelikulang Himala ni Nora Aunor, dumalo si Eugene Domingo para ipaabot ang suporta nya sa ibniidolong si Ate Guy at ang mga tao sa likod nito tulad na lang ng manunulat ng pelikulang si Ricky Lee. Aniya, “Hindi lang si Ate Guy, kung di pati si Sir Ricky Lee at siyempre ang buong industriya ng pelikulang Pilipino. Alam naman natin kung nasaan na ang pelikulang Himala ngayon sa reputasyon na inabot niya, hindi lang sa bansa natin kung di sa buong Asya, sa CNN.”

Ibinahagi din ni Eugene Domingo na naging malaking parte ang pelikulang ito sa kanyang ginagawa sa larangan ng pag-arte. “Siyempre bata pa lang ako naging palaisipan na sa akin kung paano ba nakakabuo ng ganung klaseng pelikula na papunta na sa totoo. At saka every time I watch Himala every year—maniwala kayo para siyang panata for me—nagiiba siya ng ibig sabihin. Siguro talagang tatanda ka kasama ng pelikulang ito.”

Hindi mailarawan ang pagmamahal at pagkabilib ni Uge sa pelikulang ito. “Oh my God yes, oh my God. Kung nakakaunawa ka ng pelikula, itong masterpiece ni Ishmael Bernal, yung galing ni Ricky Lee at genius na artistang tulad ni Ate Guy… hindi mo palalampasin ang buhay mo na hindi mo napapanood ang Himala ‘di ba? It’s a masterpiece in filmmaking and more than that, it’s about our faith as people na pag nawasak ang ating pinaniniwalaan, parang tumatanggi tayo, nagkakaron ng chaos. Lumalalim ang pagintindi ko sa pelikula ha. Every year kapag nanonood ako ng Himala nag-iiba ang ibig sabihin. Napupunta na siya sa panata. Hindi na lang siya pang Mahal na Araw para sa akin.”

At kung may Himala si Ate Guy kung saan siya talagang nakilala bilang magaling na artista, nakilala din si Eugene sa kanyang blockbuster hit na Kimmy Dora. At nang natanong ng Push.com.ph kung balang araw ba ay pinapangarap niya ring marestore ang kanyang pelikula, “Oo, totoo. Ngayon pa lang gusto ko nang marestore. Ang gusto ko sanang marestore ay yung Babae sa Septic Tank. Talagang maswerte tayo at tuwang-tuwa ako na narestore nila na naitago nila yung original. Great job, great job for ABS-CBN.”

Kamakailan nga ay nanalo muli si Eugene bilang Best Actress sa kanyang pagganap sa stage play na Bona sa 25th Aliw Awards. Tinanong ng Push si Uge kung ano ang regalo niya sa kanyang sarili para sa pagkapanalo. “Aalis ulit ako, pupunta ako sa France para sa [isang] International Film Festival, batang festival pa ito, invited ang Septic Tank. May screening tayo dun kaya sasamantalahin ko na yun para makasegue na rin sa Louvre at makapagdasal.”

Blooming si Eugene nang makahalubilo ng press kaya naman nang matanong siya tungkol dito, ang kanyang nakakatawang sagot, “Ano? Yun ang Himala, sa love life ko merong Himala.”

Post A Comment
Comment: