ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

After Jane, Mariz and Manolo, sinong ex-PBB All In Housemate ang next na gusto mong gumanap sa MMK?
A. Loisa
8260 vote/s out of 18220
45% Vote

B. Fourth at Fifth
3537 vote/s out of 18220
19% Vote

C. Daniel
1918 vote/s out of 18220
11% Vote

D. Vickie
1294 vote/s out of 18220
7% Vote

E. Joshua
3211 vote/s out of 18220
18% Vote

Total Votes: 18220

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Markki Stroem says doing indie movies is good training to improve his acting

12/06/2012 8:26 AM

by: Bernie Franco

Push This

120612-markki_main.jpgSinabi ng aspiring actor-singer na si Markki Stroem na nagbabalak siyang mag-Pasko dito sa Pilipinas at sa Norway kung saan nakatira ang kanyang ama.

Nang matanong naman sa kanya ang kanyang New Year’s Resolution, sinabi niya na gusto niyang magkaroon ng control ang init ng kanyang ulo. “Kasi [pag] medyo ma-traffic, minsan nagagalit ako sa mga dyip [at] delikado ‘yon. I have to control a little bit more kasi kailangan din naman nilang kumita ng pera,” paliwanag niya.

Kamakailan ay ipinalabas ang indie movie na Slumber Party kung saan kabilang sa cast si Markki. Ang nasabing pelikula ay kasali sa Cinema One Originals Film Festival. Gumanap bilang isang gay ang former Pilipinas Got Talent finalist at ito raw ang kanyang kauna-unahang pelikula.

Sobrang laking tuwa nga ni Markki sa partisipasyon niya sa nasabing pelikula dahil marami raw siyang natutunan sa pag-arte with the project. “Sa indie kahit good ‘yung take, kailangan awesome. Kailangan namin ng extra oomph. So minsan nagti-take 14 kami kahit na minsan [sa] take one good na, and it’s a good thing to be good at dahil they strive for perfection and ‘yan ang importante sa cinema these days and sa TV,” paliwanag niya.

Magandang training ground daw ang indie upang sa gayon ay kapag nagkaroon na siya ng pagkakataon na gumawa ng TV project ay handang-handa na siya. Aniya, gusto raw niyang makaperaha in the future sina Bea Alonzo at Angelica Panganiban dahil sobrang husay nilang mga aktres at dream daw niyang makatrabaho si Cherie Gil sa indie.

Bukod sa pagiging aktor, gusto rin niyang maging mahusay na singer-performer bilang nakalabas na ang kanyang debut album.

Post A Comment
Comment: