ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Agree ka ba kung maging Kapamilya si Aljur Abrenica?
A. Oo, the more stars, the merrier!
341107 vote/s out of 902540
38% Vote

B. Hindi, dun na lang siya sa ibang network.
561433 vote/s out of 902540
62% Vote

Total Votes: 902540

Snapshots (Photo Gallery)


kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Christian Bautista says he gives his girlfriend advice about showbiz and other things

12/05/2012 8:36 AM

by: Krissa Donida

Push This

120512-christian_main.jpgHindi maikakaila ang kakaibang saya ni Christian Bautista ng makapanayam siya ng Push.com.ph tungkol sa kanyang buhay pag-ibig. Ibinahagi ni Christian ang kanyang ligaya ngayon sa piling ng kasintahang si Carla Dunareanu. “[I am] very happy she is so supportive of me in everything that I do, whether by her presence or by her absence or by her prayer. So minsan may mga times na kailangan ko siya o minsan may mga times na baka maka-affect pa siya and she understands, very supportive.”

Ngayon nga ay maraming pinagkakaabalahan si Carla. Maliban sa kanyang regular radio program, may mga hosting gigs na rin siya at may pelikulang nakalinya na kanyang kabibilangan. Ngunit nang tinanong ng Push si Christian ukol dito,  aniya, “In the first place nga sabi ko ngayon unfortunately everyone will say and label you as this (Christian Bautista’s girlfriend). Gamitin muna natin. And then later on they will discover that you are such a talented actress, [you] just have to learn Tagalog because that would build you here. She is such a natural host sa radio and when she is booked for live events. Umaandar ang career niya, ang bilis niya. It’s truly God-given, she just arrived here… she is a DJ… she does guestings… she will do a movie.”

At ngayon nga na unti-unting pinapasok ng kanyang kasintahan ang show business, tinanong ng Push si Christian kung may pagka-stage boyfriend siya. “I am like a proud manager, na, ‘Take this, yeah take this, no don’t take this,’ sometimes. Parang I’ve tried to tell her some stuff about the industry, advise her.”

Ibinahagi din ni Christian na mas nakakatulong sa kanilang relasyon ang pagpasok ni Carla sa Philippine show business dahil napagkukwentuhan at napag-uusapan nila ang mga bagay-bagay tungkol dito.

Dagdag pa ni Christian tungkol sa kasintahan, “She has been in the industry sa Singapore for a while and paglipat niya dito—that is one reason nga why she went here—is that the industry here is so much bigger and we have the industry that have respect for artists here. You can actually really live well if you have a good career here so isa nga din yun sa reason why she came here. And alam niya yung mga intriga, alam niya yung mga kailangan, hindi kailangang gawin. At minamanage namin ang lahat ng maayos so meron ngang mga times na pwede kami magsama, may mga times na hindi kami pwede magsama kasi baka makagulo ng illusion ng play or whatever and she understands all that.”

Comments
Yolanda Villaroman
12/5/2012 2:20 PM
Hala ka Christian baka magkagusto sa iba yang girlfriend mo.

Post A Comment
Comment: