Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Sam Concepcion tama nga bang tumahimik na lang sa intriga sa kanila ni Anne Curtis?
A. Oo. Ayusin na lang personally para iwas gulo.
54165 vote/s out of 71022
76% Vote

B. Hindi. Dapat ipagtanggol niya din ang sarili niya.
16857 vote/s out of 71022
24% Vote

Total Votes: 71022

Jodi Sta. Maria shares good qualities of Jolo Revilla

12/04/2012 2:27 PM

by: Mika Esperanza

Push This

120412-jodi_main.jpgHindi na mapigilan pa ng aktres na si Jodi Sta.Maria ang magsalita tungkol sa kanyang buhay pag-ibig.

Sa report ng ABS-CBN News nitong Lunes, inihayag ng aktres ang mga katangiang hinahangaan niya kay Jolo.

"He is mature for his age talaga. 'Yung mga aspirations niya, kumbaga wala na siya sa point na parang maglaro or gumimik. Kumbaga alam niya kung ano ang gusto niya sa buhay, alam niya kung saan niya gustong pumunta," ani Jodi.

Nagpapasalamat din ang aktres na nagkaroon siya ng isa pang pagkakataon para maging masaya sa pag-ibig.

"Happiness is really important and we should always protect ourselves from anything that is crucial to our happiness," dagdag ng aktres.

Samantala, tumanggi namang magkomento si Jodi sa naging pahayag ni Iwa Moto, nobya ngayon ng dating asawa niya na si Pampi Lacson.

Ayon kay Iwa, masaya siya para kay Jodi at Jolo at naway masaya din ang aktres para sa kanila ni Pampi.

"From day one up to this day, I will keep quiet and I will keep my silence," ani Jodi.

Post A Comment
Comment: