ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

After Jane, Mariz and Manolo, sinong ex-PBB All In Housemate ang next na gusto mong gumanap sa MMK?
A. Loisa
8513 vote/s out of 18995
45% Vote

B. Fourth at Fifth
3737 vote/s out of 18995
20% Vote

C. Daniel
2006 vote/s out of 18995
11% Vote

D. Vickie
1353 vote/s out of 18995
7% Vote

E. Joshua
3386 vote/s out of 18995
18% Vote

Total Votes: 18995

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Vhong Navarro says his girlfriend doesn't get jealous of his leading ladies

12/04/2012 9:22 AM

by: Bernie Franco

Push This

120412-vhong_main.jpgMagkakatrabaho sina Vhong Navarro at Lovi Poe sa upcoming Metro Manila Film Fest entry na Shake, Rattle & Roll XIV. Very vocal naman sa pagsasabi ang komedyante na hanga siya sa kanyang leading lady dahil sa kagandahan nito at sa pagiging talented. “Sinasabi ko naman ang isa sa mga hinahangaan ko pagdating sa kagandahan ay isa si Miss Lovi Poe bukod don sa magaling isyang umarte,” simula ni Vhong. “’Yun naman ang ‘yung una mong makikita, ‘yung itsura mo. Pangalawa ‘yung performance mo sa acting. Magaling [si Lovi] nadadagdgan ‘yung pagiging crush mo siya.”

Natutuwa din si Vhong na nananatili ang kanilang komunikasyon kahit na tapos na ang pagsu-shoot nila ng pelikula. “May communication pa rin kami kaya nga nakakatuwa kasi akala ko nga matatapos na ron ‘yung friendship na nabuo sa pelikula. Ang maganda meron pa rin kaming communication,” paliwanag ng host ng It’s Showtime. Nagkaka-text messages daw sila o nagkakausap via Twitter.

Mga four years na ring committed si Vhong sa kanyang non-showbiz girlfriend at sinabi niya na masaya ang kanyang personal na buhay. Tinukso pa nga si Vhong kung hindi kaya magselos ang kanyang girlfriend sa pagiging open ng actor-host sa kanyang paghanga kay Lovi. “Naku, sobrang pagdating sa trabaho napaka intindihin no’n,” pagbibida ni Vhong. “’Yung sabi ko nga kanina eh kahit gaano mo ka-crush ‘yung isang tao, kapag nagtrabaho, ihihiwalay mo ‘yun kasi professionalism [ang kailangan kasi] character ‘yun eh.

Dagdag pa ni Vhong maraming beses na rin siyang nagkaroon ng mga magagandang leading ladies subalit hindi siya nagka-isyu sa mga ito. “Isa na ata ako sa mga pinakamaswerteng lalaki dahil sa dami ng nasasamahan kong magagandang dilag, awa ng Diyos, hanggang trabaho lang kasi hindi naman talaga nila ako pinapansin.”

Post A Comment
Comment: