Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Anong talent sa palagay niyo ang idedevelop ng award winning actor na si Piolo Pascual sa bagong kapamilya show na Promil Pre-School i-Shine Talent Camp 2?
A. Singing
177 vote/s out of 1359
13% Vote

B. Dancing
891 vote/s out of 1359
66% Vote

C. Acting
291 vote/s out of 1359
21% Vote

Total Votes: 1359

Sarah Geronimo hopes to recapture the ‘kilig factor’ of her team-up with John Lloyd Cruz

12/03/2012 1:59 AM

by: Bernie Franco

Push This

120312-sarahjlc_main.jpgMasaya si Sarah Geronimo sa pagbabalik tambalan nila ni John Lloyd Cruz na ngayon ay nagsu-shooting na para sa kanilang third movie together. Hangad ni Sarah na maging successful ang kanilang pelikula na next year ipapalabas. “Siyempre ‘yun ang goal namin, maibalik ‘yung kilig. Kumbaga ‘yung kilig na naramdaman nila sa first movie pa lang, sana maramdaman nila ulit ‘yon.” 

Natutuwa ang Popstar Princess na makatrabaho muli si John Lloyd dahil matagal na rin since they last worked together. “Masaya ako na nanumbalik ‘yung friendship namin. ‘Yung magandang working relationship namin. Better talaga. Masaya kami sa set and I’m happy to see him.”  

Dagdag pa niya noong mga unang shooting days daw nila ay nakaramdam siya ng ilang kay John Lloyd lalo na kapag may mga eksenang nagkakalapit ang kanilang mga mukha. Pero nalampasan din daw niya ito kalaunan lalo pa’t laging ipinaparamdam sa kanya ni John Lloyd na maging komportable siya. 
 
Sunud-sunod naman ang nakuhang mga parangal recently ni Sarah sa loob at labas ng bansa. Una na rito ang Best Asian Artist (Philippines) sa Mnet Asian Music Awards. Si Sarah din ang ambassador ng Armed Forces of the Philippines for its campaign na Bayanihan. Supposedly ay P10 milyon umano ang talent fee ni Sarah pero tinanggihan umano niya ito bilang tulong niya sa pagpo-promote ng pagkakaisa at pagtutulungan. 

Sa katatapos lang na Awit Awards ay nakuha ni Sarah ang Best Selling Album of the Year para sa album niyang One Heart at ang Best Female Major Concert Award mula naman sa 25th Aliw Awards. 

Sa Aliw Awards ay biniro si Sarah ng composer na si Vehnee Saturno na boyfriend na lang ang kulang sa buhay niya, at ipinagtanggol naman ni Sarah ang sarili at sinabing isang biro lang ang nasambit ni Vehnee. “Wala ‘yon, di totoo ‘yon. Hindi naman ‘yon ang makakapagkumpleto sa akin as a person. ‘Yung pagmamahal ko talaga unang-una talaga sa Diyos at sa sarili ko. Kailangan matutunan ko ‘yon, syempre panalo na ako sa mga pagmamahal ng mga tao sa paligid ko, wala na akong hihilingin pa,” ani Sarah.  

Comments
Jordana Mercado
12/6/2012 6:42 AM
Patapos na shooting nila anong di matutuloy? hehehe..Go JLS3 madaming nag aabang nyan..woot woot!

Myrna Gatdula
12/5/2012 5:58 AM
Sana huag nang matuloy that's all I can say. It's not real full of kaplastican lang, yon lang naman ang comment ko.

Jordana Mercado
12/5/2012 12:36 AM
Sarah G. We Love You and Will Support You No Matter What Happens! madami naming mga fans mo (local and overseas) mahal ka namin!

Jordana Mercado
12/5/2012 12:34 AM
At dun sa nagsabing puro pa tweetums at naiiwanan na ng ibang young artist si Sarah...di naman po nakikipag unahan si Sarah sa kanila.. mauna na sila ok lang sa kanya at sa amin ding mga fans nya. Kung hinahanap nyo mga mature roles,dami namang artist na gumagawa nun dun na lang kayo hahahha! la namang pumipigil sa inyo e. Wag hanapin ang something na di pa nya ready gawin,di naman kayo pinipilit manood,gusto nyo daring? dun kayo sa daring na mga artista..alam nyo naman simulat' sapul di ganon s

Jordana Mercado
12/5/2012 12:29 AM
@Ronnie, paki tingin nga magkano kinita ng movies nya with Gerald at magkano kinita ng mga producers nun? Di porket di naging no.1 sa history ng box office ndi na hit ang movie..it's considered na hit ang movie pag kumita ng malaki at Malaki kinita nila sa 2 movies nila with Gerald. Makapanlait lang talaga oo kahit kulang kulang info or walang alam babanat na.

Ronnie Pineda
12/4/2012 5:33 AM
tama kayo swanie@yvetha nakakauyam na saka palagay ko hindi na mag box office yan sawa na tao kay jlc saka sa totoo lang kay jlc lang naman sya nakakuha ng box office Q.ky gerald ala lANG kaya nga nag galit.galitan ang nanay

Marielle Paran
12/3/2012 8:04 PM
not because hindi sya kasing liberated ng ibang artista it means na hindi sya ngpapakatotoo...HEllo! breath of fresh air nga sya in viewing public na puro daring scene na lang ang napapanood

John Justin Mesias
12/3/2012 7:13 AM
Hi, po! Thank you po for this article. But if I may just correct your info towards the end of the article, the two awards - Best Major Concert and Best-Selling Album - are not both from Aliw. The award for "One Heart" album was from Awit Awards, po. Salamat. Paki-edit nalg po para tama.hihih

Thanks, po! :)

John Justin Mesias
12/3/2012 7:05 AM
Hi, po! Thank you po for this article. But if I may just correct your info towards the end of the article, the two awards - Best Major Concert and Best-Selling Album - are not both from Aliw. The award for "One Heart" album was from Awit Awards, po. Salamat. Paki-edit nalg po para tama.hihih

Thanks, po! :)

swanie cruz
12/3/2012 7:02 AM
Sarah ibahin mo na style mo kakasawa k na di n bgay sa yo pasweetums sa edaf mong yang naunahan k p ng ibang young star na gumansp ng matured roles grow up

Page: 1 2
Post A Comment
Comment: