Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Kris Aquino's new pixie cut hair style
A. Love it!
5699 vote/s out of 6977
82% Vote

B. Hate it!
1278 vote/s out of 6977
18% Vote

Total Votes: 6977

Angelica Panganiban and Angel Locsin dismiss competition issue between them

12/03/2012 1:39 AM

by: Bernie Franco

Push This

120312-angelangelica_main.jpgMagsasama sina Angelica Panganiban at Angel Locsin sa upcoming Metro Manila Film Fest entry na One More Try at makakasama din nila dito sina Dingdong Dantes at Zanjoe Marudo. 


Noong simula inamin ni Angelica na nagkaroon ng ilangan sa kanila ni Angel subalit later on ay naging komportable na rin sa isa’t isa. “Siyempre sa una nagkakapaan. Siyempre sa una tahimik lang ako dahil baka maingayan sila sa akin, eh. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko. Nung kalagitnaan, aydeadma na! Tsitsika na ako ng bonggang-bongga, lagi na akong maingay,” kwento ng aktres. 

Pagbibida pa niya, naging maganda ang kanilang pagtatrabaho ni Angel. “Maganda ‘yung may natututunan ka sa kanya, may natututunan siya sa ‘yo. Nabi-build n’yo ‘yung samahan habang ginagawa n’yo ang pelikula.” 

Vocal naman si Angel sa pagsasabi ng kanyang paghanga kay Angelica bilang aktres. “Lagi ko namang sinasabi na sobrang bilib ako sa babaeng ito sa pag-arte. Talagang fan na fan talaga ako. Bilib ako kung paano iniiba ang sarili niya from comedy to drama, (from) kontra to bida.” 

Hanga naman daw si Angelica kay Angel sa pagiging professional nito sa trabaho. Nakita rin daw niya kung gaano kabait si Angel sa lahat ng mga katrabaho. “Kung paano siya mag-alaga ng katrabaho niya. Malapit na siyang lumutang sa lupa sa sobrang kabaitan niya. Papalutang na siya,” may halong birong paliwanag ni Angelica. 

Ngayon pa lang ay ikinukumpara na ang dalawang aktres lalo pa’t marami silang mga kumprontasyon sa kanilang pelikula. Hindi raw kaya magkaroon ng talbugan sa pagitan nila. 

Natatawa nga ako pag sinasabing pagtutuos di ba, kasi wala namang ganyan,” paglalantad ni Angel. “Para siya ‘yung artistang hindi ko pag-iisipan ng ganon, napaka-professional, wala kaming ganon. Napakaganda ng pagkakahati-hati ng istorya para lahat ng artista umangat.” 

Hirit naman ni Angelica, lumang style na ang pag-aawayin ang dalawang bida sa isang pelikula.  

Gagampanan ni Angelica ang role ni Jacq, isang career-driven woman subalit submissive pagdating sa asawa. 

Si Grace naman si Angel na single mom at nang malamang may sakit ang kanyang 6-anyos na anak ay hinanap ang ama ng bata na  gagampanan ni Dingdong na asawa naman ng character ni Angelica. 

Comments
Yankee Mara
12/16/2012 9:02 PM
i really like angelica!

Post A Comment
Comment: