ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Ano ang masasabi mo sa closeness ni Kris Aquino at Derek Ramsay?
A. Friends lang sila.
839 vote/s out of 6983
12% Vote

B. More than friends. Lagi kinikilig Kris eh.
501 vote/s out of 6983
7% Vote

C. Sana mag-isip muna si Kris.
5643 vote/s out of 6983
81% Vote

Total Votes: 6983

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Charice: 'Ito na po yung normal na ako'

12/03/2012 1:36 AM

by: Bernie Franco

Push This

120312-charice_main.jpgSa The Buzz kahapon ay nagsalita na si Charice at isa-isang sinagot ang mga tanong at isyung ipinupukol sa kanya. Matatandaang matagal na nanahimik si Charice sa kabila ng kaliwa’t kanang tirada sa kanya. 

Nang tanungin siya ni Boy Abunda kung bakit nagdesisyon siyang basagin ang kanyang katahimikan, ang tugon ni Charice, “Kasi po ‘yung pananahimik lang po na part na ‘yon, simula nung ginupit ko ‘yung buhok ko, nagpalagay ng tattoo, I knew there’s something na nangyayari about the media. Siyempre as a person kahit alam ng mga fans ko, ng ibang tao, kumbaga kilala nila ako as a strong person, nasasaktan pa rin po ako. I’d rather na huwag marinig ‘yung mga questions nila, ‘yung mga batikos nila. Naiintindihan ko ‘yung sinasabi nila na nagsusuplada po ako kasi 'di ko nasasagot ‘yung mga interview po nila.” Pagpapatuloy ng international singer, may ibang media raw na disrespectful ang pagtatanong sa kanya at may mga pagkakataon na nasasaktan na ang kanyang damdamin.

Sa lahat ng mga ipinupukol sa kanya, sinabi ni Charice na pinakamasakit ang panghuhusga sa kanya. “I think ‘yung dyina-judge po ako ng mga tao na 'di naman po nila ako kilala, especially po ‘yung mga tao din na kilala na din po ako dyina-judge pa ako.” Katwiran pa niya, hindi raw porket nagpalit siya ng kulay ng buhok o kaya ay nagpa-tattoo siya ay ibang tao na siya.  

Maraming natanggap na pambabatikos si Charice nang maging judge siya sa X-Factor Philippines. Nariyan ang isyung hindi siya deserving na maging hurado at ang pang-aalipusta sa kanyang fashion style. Ani Charice, nang sabihan pa lang siya tungkol sa X-Factor Philippines ay alam niyang marami ang mangba-bash sa kanya. Gayunpaman, nangibabaw raw ang hangad niya na maging bahagi ng isang show at makadiskubre ng panibagong talent. Kaya naman noong kasagsagan ng reality-based talent show ay hindi siya nagtu-Twitter dahil ayaw niyang makabasa ng mga masasakit na salita.
  
Pagpapatuloy ng singer, akala raw niya ay sanay na siya sa pagharap sa mga intriga. “Lagi ko pong sinasabi sa fans ko na kahit na nakikita n’yo ako sa stage, kahit nakikita n’yo ako na nagpe-perform, kahit nakikita n’yo ako na hinahangaan ng maraming tao, kahit paano tao pa rin ako, nasasaktan ako, kumakain, humihinga ako. Kumbaga isa rin po ako sa kanila,” depensa niya. Ang pinagkaiba nga lang daw niya sa normal na mga tao ay wala siyang privacy. “Kumbaga ang swerte po nila na nararanasan nila ang mga bagay na gusto ko pang maranasan ulit.” 

Pagdating naman sa kanyang personal style, sinabi ni Charice na hindi na siguro niya kailangang idepensa ang kanyang porma dahil aniya, kahit ang isyung ito ay lilipas din. “Ito na ‘yung normal na ako. Masaya po ako,” katwiran niya. 

Naging tampulan din ng mga kritisismo ang pagkakaroon ng American accent ni Charice. May iba nga na sinasabing trying hard ang singer sa kanyang pagi-Ingles. Ang katwiran naman ng singer, "Di ko na maintindihan. Nung una, nung wala po akong accent kung batikusin ako… ganun din. Ngayon po na nagta-try na ako ng best ko na maging katulad kung paano sila magsalita, (may) bumabatikos pa rin.
  
Tinanong din si Charice sa pagpapalit umano niya ng managers. Previously kasi ay may local manager si Charice na nagma-manage sa kanya kapag kapag narito siya sa Pilipinas pero napalitan umano ito at ang humawak sa kanya ay si Courtney Blooding, na lately rin ay sinasabing hindi na siya ang manager ni Charice. 

Sinasabi ring may away raw sila ng kanyang Mommy Racquel pero paglilinaw ni Charice, tampuhan lamang ang meron sila ng ina at normal lamang na nangyayari. Sa The Buzz ay nakiusap pa nga siya na ipagdasal ang ina dahil may pinagdadaanan umano siyang karamdaman ngayon. 

Dagdag pa niya, sana ay huwag nang palakihin ang mga isyu at sana raw ay naka-move on na ang lahat dahil siya raw ay naka-move on na. 

Kabilang si Charice sa pelikulang Here Comes The Boom na pinangungunahan ni Salma Hayek at ipapalabas sa Pilipinas early next year. Hindi rin idinetalye ng singer ang iba pa niyang proyekto. 

Tumanggi namang magsalita si Charice nang matanong tungkol sa kanyang love life pero paniniyak niya, “Masaya po ako.”  

Post A Comment
Comment: