Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Kris Aquino's new pixie cut hair style
A. Love it!
4169 vote/s out of 5089
82% Vote

B. Hate it!
920 vote/s out of 5089
18% Vote

Total Votes: 5089

Jodi Sta. Maria says Christmas trip with Jolo Revilla also include family and friends

12/03/2012 1:30 AM

by: Bernie Franco

Push This

120312-jodi_main.jpgNgayong Pasko ay nagkayayaan umano sina Jodi Sta. Maria at ang napapabalitang boyfriend nito na si Jolo Revilla na lilipad sa Bangkok, Thailand kasama ang kani-kanilang mga anak. Kinumpirma ito ni Jodi sa interview sa kanya sa The Buzz at the Thanksgiving mass of Be Careful With My Heart last Thursday. Gayunpaman, idiniin niya na isa silang malaking grupong pupunta roon. “Family and friends. Marami kami as in we’re a big group, super big group,” paglilinaw ng aktres.  “We’re going out as a group, it’s going to be a very big group, we’re about 13-15 people.  It’s no just going to be just me and him or the kids ‘yon. So kumbaga nagkayayaan lahat ng magkakaibigan, gusto kong klaruhin ‘yon.” 

Pagpapatuloy pa ni Jodi, hindi sila nagmamadali ni Jolo sa kung anuman meron sila ngayon. “We are not rushing things, nage-enjoy lang kami. Walang pressure, walang kahit ano,” paliwanag niya. 

Pagdating naman daw sa pag-ibig, bukas na raw ang kanyang puso na umibig uli sa kabila ng kanyang failed marriage in the past. “It’s not something that you plan, it just happens. Minsan may mga bagay na dumarating when we least expect it,” pahayag niya. “Hindi naman porke’t galing ako sa isang failed relationship every future na potential relationship ay magpi-fail din. Kumbaga hindi tayo dapat maging pessimistic about the future.”  

Post A Comment
Comment: