ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Anong MMFF entry ang una mong papanoorin sa Christmas Day?
A. Amazing Praybeyt Benjamin
2778 vote/s out of 5025
55% Vote

B. Bonifacio: Ang Unang Pangulo
513 vote/s out of 5025
10% Vote

C. English Only Please
337 vote/s out of 5025
7% Vote

D. Feng Shui 2
588 vote/s out of 5025
12% Vote

E. Kubot: The Aswang Chronicles 2
111 vote/s out of 5025
2% Vote

F. Magnum 357
74 vote/s out of 5025
1% Vote

G. My Big Bossing
443 vote/s out of 5025
9% Vote

H. Shake Rattle and Roll XV
181 vote/s out of 5025
4% Vote

Total Votes: 5025

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Andi Eigenmann on Jake Ejercito's interview: 'Hindi naman po ako masamang tao'

11/26/2012 1:21 AM

by: Bernie Franco

Push This

112512-andi_main.jpgNagsalita si Andi Eigenmann sa The Buzz kahapon at ininterview siya ni Boy Abunda sa mismong location kung saan ginanap ang first birthday/Christian dedication ng kanyang anak na si Ellie. 

Tinanong dito ng King of Talk ang young actress sa lumabas na balita kamakailan na sinabi ni Jake Ejercito sa isang interview na nagkakalabuan na sila ni Andi. “Yeah, if that’s what he said,” reaksyon ng aktres. 

Sinabi rin ni Andi na hindi niya alam kung bakit nagsalita ang kanyang ina na si Jaclyn Jose na siyang sinasabing pinag-ugatan ng lahat ng isyung ito. 
Nangiti rin si Andi nang tanungin siya ni Boy tungkol sa status na ipinost niya sa Twitter account niya na galit siya mga lalaki. “When I said I hate boys half-meant, I just meant that I’m fine and I’d rather prefer to be single right now and focus on what matters,” paliwanag ng aktres. 

Hindi rin itinanggi ni Andi na dismayado siya sa pagsasalita ni Jake dahil sinikap niyang ipagtanggol ang binata  pero ayaw niyang napalabas na nagsisinungaling ang inang si Jaclyn. “My mom wasn’t lying dahil nakikita niya rin akong nasasaktan or may naririnig siyang mga bagay na alam niyang makakasakit sa akin and she’s just also being a mother. She doesn’t want me getting hurt also just as much as Tita Arni (Laarni Enriquez, Jake’s mom) doesn’t want to see Jake get hurt.” Dagdag pa ni Andi, “Sana huwag ia-accuse ang mom ko of being a liar because she’s not. That’s what she knows, it is the truth.”

Inamin din niya na sinikap niyang makipag-ugnayan sa ina ni Jake upang humingi ng paumanhin. “That’s the only reason why I agreed to being interviewed about that matter because I just want to get the chance maybe to apologize,” ani Andi. Sinabi niya na hindi tama sa mga magulang ni Jake dahil pribadong tao ang mga ito at nadadawit sila dahil showbiz si Andi.  

Hindi pa rin daw siya nakakapag-sorry nang personal kay Laarni subalit umaasa pa rin siyang magagawa niya ito dahil pinalaki rin siyang maayos ng kanyang nanay at marunong magbigay-galang. 

Nang direkta siyang tanungin ni Boy kung ano ang status ngayon nila ni Jake, ang sagot ni Andi, “I don’t wanna lie anymore. I guess we’ll always be special to each other. It’s just that if he thinks that it has to be a choice between me and doing what other people think is best for him, then I’ll let him be. After what had happened I’d rather not also be with him.”

Naiiyak na si Andi nang sinabi niyang hindi raw niya maintindihan ang ginawang pagsasalita ni Jake subalit alam din daw niyang hindi iyon totoo at hindi sinasadya ni Jake ang nangyari. Humingi na umano ng paumanhin sa kanya ang binata bago pa man lumabas ang mga artikulo hinggil sa kanyang pagpapa-interview sa London. Kaya naman daw hindi na niya binasa ang mga articles.  “Because I trust him and kung sinabi na niya sa akin at kinuwento na niya sa akin kung ano ‘yung nangyari, okay na rin sa akin kung ano’ng nanggaling sa kanya. I still forgive him pero alam ko naman po na di na niya kailangang i-defend ang parents niya at my expense, especially ako po ‘yung artista.” 

Diretsang tinanong ni Boy si Andi kung mahal pa niya si Jake, “Yes,” sagot ng aktres.  “Gusto ko lang pong maging masaya. After everything that have happened, after the issues that came out about me lately they were so uncalled for, I didn’t see them coming, I didn’t think it was necessary na mangyari ang mga ‘yon, na magkaroon ng isyu tungkol sa akin,” himutok ng aktres. “Parang ang alam ko masaya na ako. I started feeling bakit ganun ang ginagawa sa akin ng mga taong mahal ako?

Tuloy ay naiisip niya na isa siyang masamang tao. Naiisip daw niya na bakit kailangan niyang umasa sa ibang tao kung kaya naman niyang alagaan ang kanyang sarili at ang anak na si Ellie. “Pwede namang maging mag-isa. Ako na lang. Kaya ko naman po, I can raise Ellie, I can be with Ellie on my own, just the two of us. Now that’s what I want. The only thing I want is to be happy because I really am not.” 

Aniya, hindi raw siya ang tipo ng tao na nais na pagpiyestahan sa mga balita kaya naman masakit sa kanya na maging laman siya ng mga ito.  "Hindi naman po ako masamang tao pero laging ako na lang ‘yung nagiging masama. Pagod na po ako. Gusto lang talagang magtrabaho. Gusto ko lang pong maging successful dito. This is where I want to be, showbiz is my life. Pero sobrang hirap po but I can’t give up because I have Ellie and everything I’m doing now is for her.” 

Dahil daw sa pagmamahal niya sa isang lalaki (Jake) ay nakalimutan na raw ni Andi kung ano ang kanyang prayoridad, at ‘yon ay ang kanyang sarili, ang kanyang anak at ang kanyang trabaho. 

Comments
churi degs
11/27/2012 1:25 AM
we had such a bad double standards in our society and i think andie needs to shut up kasi cya ang ngmumukhang defensive..kung hindi ngsasalita ang tao it doesnt mean he is at fault..sana mgpa DNA nalang cya para lumabas ang totoo,i cant blame albie if he has doubts who the real father is kasi nga naman pinagsabay nya c jake and albie..she needs to face to truth and be responsible with her actions...

churi degs
11/27/2012 1:18 AM
this is a vindication for albie, people felt sorry for andie for being an unwed mom and she got people's sympathy by always defending herself and crying thru her interviews and albie became the bad person for not defending himself but when jake spoke the truth he became the bad person now? oh come on people..

blueqatar qatarblue
11/27/2012 12:00 AM
Feeling kasi ni Jake guwapo cya at kagalang galang. LOL.. isa din naman anak sa labas. haha

Post A Comment
Comment: