Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Sam Concepcion tama nga bang tumahimik na lang sa intriga sa kanila ni Anne Curtis?
A. Oo. Ayusin na lang personally para iwas gulo.
52304 vote/s out of 68802
76% Vote

B. Hindi. Dapat ipagtanggol niya din ang sarili niya.
16498 vote/s out of 68802
24% Vote

Total Votes: 68802

Erich Gonzales denies 'engagement' issue

11/23/2012 3:51 PM

by: Mika Esperanza

Push This

112312-erich_main.jpgItinanggi ng aktres na si Erich Gonzales na engaged na siya sa kanyang nobyo.

Ani Erich, hindi totoo ang isyung malapit na siyang ikasal sa kanyang non-showbiz boyfriend.

"Thank you for watching KrisTV this morning! :) by the way to clear things out, I am NOT engaged. If you'll watch the video again i said "Hindi ah" and na cut po yung sinabi ko na marami pa akong gustong gawin. Hehe so once again yung balita na engaged na po ako, NOT TRUE. Thank you. Have a nice day everyone! :)” ani Erich sa kanyang fans gamit ang kanyang "K-Text."

Nitong Huwebes ng umaga, hindi matatawaran ang ngiti sa labi ng aktres na si Erich nang sabihin ni Queen of All Media Kris Aquino na may engagement ring" na ito matapos magbiro ng guest-co-host ni Kris na si Melai Cantiveros na pwede nang mag-asawa ang dalaga.

"Eh may engagement ring na nga eh," ani Kris.

Hindi man kinumpirma o itinanggi ni Erich na engaged na siya ay proud naman itong nagbahagi ng kanyang buhay pag-ibig.

Aniya, nakilala niya ang kanyang nobyo dalawang taon na ang nakakaraan at nakatanggap siya ng diamond ring mula dito noong nakaraang taon lang.

"I'm so happy and inspired.... I love him every minute, every hour, every second," ani  Erich na idinagdag na swerte din siya sa kanyang nobyo.
 
"More than a year (na kami). I met him  two years ago and then we started as friends and then, 'yun.  Last year niya binigay," ani Erich.

Pag-amin ni Erich, hindi naging madali sa kanya ang ipagkatiwala ang kanyang puso pero nagpapasalamat siya na dumating ang kanyang mahal sa tamang panahon.
 
"Thankful lang ako na dumating siya kung kailan ready na talaga ako. I'm my happiest now because of him and he allows me to be," ani Erich.

Post A Comment
Comment: