ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

After ng Pure Love, ano wish mo na next Koreanovela remake ng ABS-CBN?
A. Boys Over Flowers
6140 vote/s out of 9839
62% Vote

B. Two Wives
422 vote/s out of 9839
4% Vote

C. That Winter The Wind Blows
829 vote/s out of 9839
8% Vote

D. The Heirs
2448 vote/s out of 9839
25% Vote

Total Votes: 9839

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Marco Gumabao reacts to being compared to Enrique Gil

11/23/2012 9:19 AM

by: Krissa Donida

Push This

112312-marco_main.jpgBago man sa industriya, malakas na ang atensyong nakukuha ni Marco Gumabao. Maliban sa regular show nito na Luv U, kasama din siya sa inaabangang teleseryeng Kailangan Kita na pinagbibidahan nina Robin Padilla, Kris Aquino at Anne Curtis. Sa tinatahak ng kanyang karera ngayon, marami ang kumukumpara sa kanya kay Enrique Gil, lalo na sa itsura at sa pagsisimula sa showbiz.

Nang hingan ng Push.com.ph ang reaksiyon niya tungkol dito, aniya, “Sobrang nakakatuwa kasi I never really imagined myself na nasa showbiz ganyan. And parang I just thought na parang hanggang sports lang ako. Siyempre nakakatuwa at siyempre lahat ng blessings galing kay God so lahat talaga ng nangyayari sa kin ngayon binibigay Niya. So I return Him the favor and say thank You always and always remember na sa Kanya lahat nanggagaling. At natutuwa ako na natatapat ako kay Enrique.”

Ngunit aminado si Marco na hirap siyang makaggawa ng sarili niyang pagkakakilanlan dahil sa dami din ng artista sa ngayon. “Well yeah, nahihirapan din ako na parang umo-originate ka din, na hindi ka lang basta sumasabay sa trend. So parang I am still finding what kind of thing ang i-trend sa tao. Pero ngayon I just go with the flow parang take it slow, step by step sa pagiging artista.”

Kaya nang tanungin siya kung ano ang plano niya para mas makilala at umangat sa kanyang mga kasabayan sa show business ngayon, sagot ng binata, “Ako kasi depende kasi sa sasabihin ni Direk Bobot (Mortiz) yung manager ko. Kasi for me kung anong sabihin niya, dun ako. Ganun ako ka-loyal sa kanya pero siyempre okay lang naman sa akin ang kahit na anong roles pero pipili ka pa rin.

Ngunit ang pinagkaiba ni Marco sa ibang mga artista, napakalaking konsiderasyon sa kanya ng kanyang relihiyon sa mga proyektong kanyang pipiliin. “Hindi ka naman pwedeng tanggap lang ng tanggap ng mga roles. Ako kasi Christian ako so gusto ko yung mga roles ko mago-glorify si God. Hindi yung porket kunwari maraming natutuwa sa iyo pero yung mga roles na nakakabastos minsan. Parang ayoko din naman gumanap na ganun. Basta ang gusto ko mga youth-oriented shows, mga drama okay lang at action.”

At sa tanong na nararamdaman na niyang unti-unti na siyang nakikilala, aniya, “Actually hindi pa rin e. Ang akin kasi nasa normal life pa rin naman ako na even before mag-artista. Nakakalabas pa rin naman ako mag-isa, nakakabasketball pa rin naman kahit saan pero siyempre mas naging ano ako conscious kasi lahat ng ginagawa mo maraming makakakita kaya dun ako nag-change sa pagiging conscious ko around other people.”

Comments
Julien Estopado
11/23/2012 12:10 PM
you don't have to react Marco,kac ibang daan dn naman ang tatahakin mo...your gonna make your own name..Pero sa ngayon talaga mas lamang c quen sayo..lol..but fan mo rin ako pero mas crazy lng talaga ako ky Enrique Gil.!

Post A Comment
Comment: