ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Ano ang masasabi mo sa napapabalitang hiwalayan muli nina Luis Manzano at Angel Locsin?
A. Sayang naman. Sana maayos pa nila ang relasyon nila.
3600 vote/s out of 4633
78% Vote

B. Ganun talaga. Kung di talaga meant to be, mahirap ipilit.
401 vote/s out of 4633
9% Vote

C. Paandar lang yan.
269 vote/s out of 4633
6% Vote

D. Dedma!
363 vote/s out of 4633
8% Vote

Total Votes: 4633
kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Erich Gonzales, engaged?

11/22/2012 2:45 PM

by: Mika Esperanza

Push This

112212-erich_main.jpgHindi matatawaran ang ngiti sa labi ng aktres na si Erich Gonzales nang sabihin ni Queen of All Media Kris Aquino na engaged na siya.

Sa guesting nito sa "KrisTV," nabanggit ni Kris na engaged na nga si  Erich matapos magbiro ng guest-co-host ni Kris na si Melai Cantiveros na pwede nang mag-asawa ang dalaga.

"Eh may engagement ring na nga eh," ani Kris.

Hindi man kinumpirma o itinanggi ni Erich na engaged na siya ay proud naman itong nagbahagi ng kanyang buhay pag-ibig.

Aniya, nakilala niya ang kanyang nobyo dalawang taon na ang nakakaraan at nakatanggap siya ng diamond ring mula dito noong nakaraang taon lang.

"I'm so happy and inspired.... I love him every minute, every hour, every second," ani  Erich na idinagdag na swerte din siya sa kanyang nobyo.
 
"More than a year (na kami). I met him  two years ago and then we started as friends and then, 'yun.  Last year niya binigay," ani Erich.

Pag-amin ni Erich, hindi naging madali sa kanya ang ipagkatiwala ang kanyang puso pero nagpapasalamat siya na dumating ang kanyang mahal sa tamang panahon.
 
"Thankful lang ako na dumating siya kung kailan ready na talaga ako. I'm my happiest now because of him and he allows me to be," ani Erich.

Comments
julie ann bangit gotang
11/26/2012 7:02 PM
why? po ate erich :D

mitch gonzales
11/25/2012 8:35 PM
Whos the guy??? hhmmm but im happy that ur happy Erich...

justine lumacang
11/23/2012 12:30 PM
im happy 4u erich..

shut it
11/22/2012 4:04 PM
Wow! so happy for you Erich!

Post A Comment
Comment: