ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Agree ka ba kung maging Kapamilya si Aljur Abrenica?
A. Oo, the more stars, the merrier!
337556 vote/s out of 730074
46% Vote

B. Hindi, dun na lang siya sa ibang network.
392519 vote/s out of 730074
54% Vote

Total Votes: 730074

Snapshots (Photo Gallery)


kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Pokwang is okay with not having a man in her life right now

11/22/2012 9:26 AM

by: Krissa Donida

Push This

112212-pokwang-main.jpgSa pagkakapanalo ni Pokwang bilang Best Comedy Actress sa katatapos lamang na Star Awards for Television para sa Toda Max, masayang-masaya ang aktres sa isa nanamang pagkilala sa kanyang kakayahan bilang isang aktres. “Siyempre masaya. Kalurky kasi di ba magandang regalo po ito sa one year anniversary ng Toda Max.” Ka-tie ni Pokwang sa pagkakapanalo si Rufa Mae Quinto at nilahad ni Pokwang ang kanyang damdamin dito. “Kaibigan ko naman si Peachy (Palayaw ni Rufa Mae). Mabuting tao naman yun at pag deserve naman nung tao, ibigay pa rin natin. Ganun yun talaga. Huwag tayong magdamot ‘di ba?


Isa lang ang pagkapanalong ito sa mga magagandang nangyayari sa kanyang buhay ngayon. “Meron pa bang hihilingin? At least kahit walang boyfriend, happy pa rin.” Ang nakatutuwang dugtong pa ni Pokwang dito, “Oo naman aarte pa ba ako.” Ngunit aminado si Pokwang na siya ay “hoping and praying” na dumating din ang tamang lalaking magmamahal as kanya ngunit hindi naman daw ito kasama sa mga talagang hinihiling niya sa kasalukuyan. Aniya, “Hindi e. Actually wala, wala lang. Kapag meron meron, pag wala e ‘di wala. Ganun lang. Ngayon kasi ang daming trabahong darating at nagpapasalamat lang ako ng bonggang-bongga. Siguro kung magkaroon ako ng love life bonus na lang po yun.”

Sa ngayon ay hindi prioridad ni Pokwang ang pagkakaroon ng love life dahil mas importante sa kanya ang mapaghandaan ang kinabukasan ng kanyang unica ija “[Sana] bigyan pa ako ng malakas na pangangatawan di ba para maibigay ko yung sa anak ko na mawala man ako sa mundo, at least naka-ready na siya. Kumbaga sa ibon ready na siya lumipad.”

Nagkabiruan na rin sa ibang mga press kung mapili ba si Pokwang sa mga lalaki at ang nakatutuwang sagot ng komedyana, “Naku hindi ako maarte, Kristine Hermosa ba ang beauty?”

Sa paparating na kapaskuhan natanong din si Pokwang kung mayroon ba siyang mga nakaalitan noon na nais niyang makasundo na rin. “Si God ang gagawa ng paraan. Siya naman talaga ang totoong peacemaker, Siya naman po talaga yun. Hindi ko naman sinasabi na wala tayong tiwala sa kapwa nating tao na maging peacemaker pero hayaan natin, Siya ang gagawa ng way. Minsan hindi mo inaakala biglang makakasalubong mo, napakaliit lamang ng mundo ng showbiz.”

At sa pagpasok ng bagong taon, may isang inamin si Pokwang na kanyang namimiss. “More, more projects at sana magsama-sama yung mag komedyante talaga sa movies ganyan. Siyempre namimiss ko na rin mag-noontime show kung matupad e hayaan na lang natin. Pinapasa-management ko na lang yan so bahala na ang ABS.”

Post A Comment
Comment: