ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

After Jane, Mariz and Manolo, sinong ex-PBB All In Housemate ang next na gusto mong gumanap sa MMK?
A. Loisa
14573 vote/s out of 32920
44% Vote

B. Fourth at Fifth
7607 vote/s out of 32920
23% Vote

C. Daniel
3533 vote/s out of 32920
11% Vote

D. Vickie
2363 vote/s out of 32920
7% Vote

E. Joshua
4844 vote/s out of 32920
15% Vote

Total Votes: 32920

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Gerald Anderson speaks out on issues linking him to different women

11/21/2012 9:59 AM

by: Krissa Donida

Push This

112112-gerald_main.jpgKabi-kabila ang mga tanong kay Gerald Anderson tungkol sa mga babaeng na-link sa kanya. Isa na nga dito ay ang kanyang kauna-unahang love team at katambal muli sa pelikulang 24/7 In Love na si Kim Chiu. Sa presscon ng kanilang pelikula, nasagot ng binata na hindi siya nagsasara ng kahit na anong pintuan sa kanilang dalawa. Nang makapanayam muli ang aktor tungkol sa bagay na ito, pinanindigan niya ang naging sagot niya. Aniya, “Sino ba ang nagko-close talaga ng door? Mahirap yan, paano yan?” Dagdag pa ng binata, “Siyempre hindi naman natin pwedeng basahin yung future kung anong mangyayari.

Sinagot din ni Gerald ang ilang kumakalat na isyu na nagkausap sila ni Mommy Divine, ang ina ni Sarah Geronimo, tungkol nga sa dalaga at agad itong pinabulaanan ni Gerald, “Waley yan. Huwag na yan. Hindi totoo yan, hindi totoo.”

Sa tanong kung isa ng closed book ang love story nilang dalawa ng Pop Princess, ang naging matipid na sagot ni Gerald, “Sabi ko nga sa iyo, paano magiging closed yan e hindi naman natin kayang basahin ang future.” Natanong din siya na kung kahit papaano ay nagkakaroon pa rin sila ng komunikasyon ng dalaga. “Hindi na gaano, hindi na masyado.” At kung dati nga ay bukas ang kanilang pag-amin sa pakikipagtextan sa isa’t isa ngayon nga, ayon kay Gerald ay wala nang pagkakataon na sila ay magkausap kahit sa text man lang.

Pero sa tanong na sa kabila ng mga nangyari kung espesyal pa rin si Sarah sa kanya, sagot niya, “Oo naman, oo naman.”

Itinanggi din ni Gerald ang pagkakadawit ng pangalan niya kay Shaina Magdayao at sinagot na walang katotohanan ang mga kumakalat na balita na nililigawan niya ito. “Hindi po, hindi po. Kaibigan lang.”

Hindi rin mapigilan ang ilang katanungang umiikot tungkol sa pagiging malapit nina Gerald at ni Janice de Belen na gumanap na Ina nito sa teleseryeng Budoy. Kamakailan sa birthday celebration ni Janice, marami ang nakapansin na hindi mapaglayo ang dalawa at magkahawak pa ng kamay. Sagot ng binata, “Kami ni Ate Janice? Oo naman, oo naman siyempre nanay ko yun e. Grabe yung suporta na binibigay niya sa akin and vice versa.”

Kahit sa ibang mga okasyong kung saan nandun ang dalawa, sinasabing hindi mapaglayo ang isa’t isa na maaring mabigyan ng kulay ng ibang tao sa showbiz. Ang naging pabirong sagot ni Gerald dito, “Seryoso ba yan? Grabe naman. Seksing-seksi yan para sa akin, nai-inlove na ako, nai-inlove na ako.”

Kaya naman hindi na rin napigilan ng ibang press magtanong kung posible bang ma-in love si Gerald sa babaeng mas malaki ang agwat ng edad sa kanya. At bukas naman ang binata dito, “Like I said hindi natin pwede malaman kung anong mangyayari ‘di ba?

At sa pagkumpirma kung talagang ina lang ang pagtingin ni Gerald sa kaibigang si Janice, “Oo. Tinanong niyo na ba siya tungkol diyan? Naku huwag na nakakahiya. Seryoso? Grabe, nanay ko yan.”

Napag-uusapan na rin lang ang pag-ibig, aminado si Gerald na sa kabila ng mga nangyari sa kanyang personal na buhay ay hindi pa rin ito sumusuko sa pag-ibig. Handa siya ngunit hindi niya ito hinahanap. Aniya, “Lagi naman akong open sa lahat basta tamang timing at kung masaya ako at masaya siya kung sinuman yun.” Dagdag pa niya, “Pero alam mo yun, hindi ko naman hinahanap o alam mo yun, hindi ko naman kailangan hanapin yun.” Inamin din niyang kasama sa kanyang mga dasal ang pagdating ng tamang babae sa kanyang buhay.

Ngunit sa pagkakataong ito kung may pagpipilian di umano si Gerald, mas nanaisin niyang non-showbiz na lang ang kanyang maging karelasyon. “Given a choice sana non-showbiz para alam mo yun maiba naman, tahimik. Pero you’ll never know, you’ll never know, hindi ko pa rin masabi.

Comments
sheena lights
11/26/2012 8:37 AM
pakisabi nyo nga anong movie ni sarah kumita na sya lang talaga bida?diba yung movies nya na kumita kasama c anderson at lloydie,so its not just sarah,movie nga nya wid juday flop eh

sheena lights
11/26/2012 8:36 AM
kahit ano pang sabihin nyo lumamlam career ni sarah ng iwan ni anderson,di nga nanalo sa star awards,napahiya lang,hahahaaaaaaaaaa

claudine spank
11/23/2012 9:37 AM
masyado kayo nakasandal sa ratings! ngttaka nga ako langaw naman movies ng kabilang istasyon! paniwalaan niyo nakkita ng mata sa hindi nakkita! ganun ka simple! rATINGS! SAAN NILA KINUKUHA! NAKKITA BA NILA LAHAT NG BAHAY NA NONOOD! COMMON SENSE!

claudine spank
11/23/2012 9:35 AM
at ung kinita sa movies! na hindi niya kapreha si sarah! ratings! saan sa mga semplang ng gma sa movies!

claudine spank
11/23/2012 9:33 AM
ung mga award ni anderson ni pa umabot kahit sa kalahati ng nakuha ng isang sarah geronimo research tlangka na hater!

claudine spank
11/23/2012 9:32 AM
sa records na mga na achieve ni sarah! mga boba ngsama sama! ni mga award ni naderson wala pa sa kalahati ng mga nakuha ni sarah geronimo! mg research ung hater na talngka! kung need pa ni sarah mggamit !

claudine spank
11/23/2012 9:31 AM
mmay mga lumiligaw na nga na bago! kay sarah! tahimik na! ilang tanga rito hind tumgil ng kangawngaw! nggamit? ung mga boba bumbirit!

claudine spank
11/23/2012 9:29 AM
ung mga hater kayo mg move on mga tanga! tahimik na ung dalawa ila dito ayaw pa rin tumigil!

Jilay Swirtz
11/23/2012 6:02 AM
To Gerald and SARAH...We never lose Sight of our Hopes..Here we are Still Holding On!! True love stories never have endings..ASHRALD IS <3

Jilay Swirtz
11/23/2012 5:57 AM
Kung minsan iba2x ang rating ng SGL bakit di bah pweding may araw talaga na paiba-iba ang ratings...Paiba-iba man di parin talo.isang performer lng yan compared sa ibang shows na marami sila..at least taas parin ratings nia..Trending qUEEN palage sa twitter..at sa ibang social networking sites..so dahan2x lng mga indai..

Page: 1 2 3
Post A Comment
Comment: