ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

After Jane, Mariz and Manolo, sinong ex-PBB All In Housemate ang next na gusto mong gumanap sa MMK?
A. Loisa
13220 vote/s out of 30008
44% Vote

B. Fourth at Fifth
6734 vote/s out of 30008
22% Vote

C. Daniel
3248 vote/s out of 30008
11% Vote

D. Vickie
2194 vote/s out of 30008
7% Vote

E. Joshua
4612 vote/s out of 30008
15% Vote

Total Votes: 30008

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Vice Ganda talks about his 'Baby Boy'

11/19/2012 12:28 AM

by: Bernie Franco

Push This

111912-vice_main.jpgNoong nakaraang Linggo sa Gandang Gabi Vice ay nagkaroon ng malaking rebelasyon nang makausap sa phone ni Vice Ganda ang kanyang special someone. In the middle of his interview with guests Bea Alonzo at Zanjoe Marudo ay biglang nag-ring ang phone ni Vice at sinagot ito ng komedyante. Inagaw ni Bea ang phone at nakalagay na ang tumatawag ay si “Baby Boy”. Inilagay sa loudspeaker ni Bea kaya narinig ng mga manonood ang lalaki sa kabilang linya.

Sa The Buzz kahapon ay ipinalabas ang interview with Vice kung saan itinanong sa kanya kung sino si Baby Boy. Ani Vice, "Si Baby Boy ay si Baby Boy ni Baby Girl, siya si Baby Boy ko. Espesyal, pinapasaya niya ako, pinapatawa niya ako.” 

Inusisa rin sa mahusay na host at comedian kung pinlano ba ang nasabing eksenang iyon. “Siya ang tumawag habang nagti-taping kami,” paliwanag ni Vice. “Tumawag siya, dire-diretso lang naman ang camera rumorolyo lang. Tapos inagaw lang naman ni Bea sa akin ‘yung phone tapos ini-speaker niya.” 

Ayon pa kay Vice, bago pa raw umere noong linggo ay alam na ni Baby Boy na ilalabas iyon. “Alam naman niya eh. Bago pa nung linggo sinabi ko na sa kanya. Inaway na niya ako bago pa mag-Sunday. Kaya nung Sunday, alam niya na. Tumawa na lang din siya.” 

Sinundan pa ito ng tanong kung ibig bang sabihin nito ay mainit ang Pasko ni Vice. “Oo lagi naman akong may kasama. Kung hindi si Baby Boy, ‘yung mga barkada namin (ang) kasama ko. Lagi akong may kasama, sinisuguro kong lagi akong may kasama. Hindi ako papayag na wala akong kasama.” 

Comments
jocielyn sollesta
11/20/2012 2:33 AM
like like

Post A Comment
Comment: