ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

After Jane, Mariz and Manolo, sinong ex-PBB All In Housemate ang next na gusto mong gumanap sa MMK?
A. Loisa
6682 vote/s out of 14447
46% Vote

B. Fourth at Fifth
2624 vote/s out of 14447
18% Vote

C. Daniel
1514 vote/s out of 14447
10% Vote

D. Vickie
1061 vote/s out of 14447
7% Vote

E. Joshua
2566 vote/s out of 14447
18% Vote

Total Votes: 14447

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Pokwang prefers a foreigner than a Filipino for a boyfriend

11/17/2012 12:30 AM

by: Bernie Franco

Push This

111612-pokwang_main.jpgInamin ni Pokwang sa bloggers’ conference ng upcoming movie na 24/7 In Love na dati ay lubos kung siya ay magmahal. “Dati baliw akong magmahal. I give my all pag magmahal ako,” aniya. “Baliw-baliwan ako, pero next time wiser na ako, wiser and tougher.”

Hindi rin daw mahalaga sa kanya kung ang susunod niyang magiging boyfriend ay mas bata sa kanya. Aniya, ang mahalaga raw ay maging totoo ito sa intensyon sa kanya. “Basta ‘wag hihingi ng kotse,” biro ng komedyante. “Seryoso talaga, oo mararamdaman mo naman kung sincere talaga. ‘Yung mahal ka niya dahil ikaw.” Pagpapatuloy niya, kung magkakaroon siya ng boyfriend dapat din ay dahil gusto ng lalaki na maging bahagi siya ng kanyang buhay.

Sa maraming karanasan na raw niya sa pag-ibig, natuto na raw siya kung karapat-dapat ba ang isang lalaki para kanyang mahalin. “Sa dami kong pinagdaanan, magpapakatanga pa ba ako? So ramdam ko kung ang taong ito na mas bata sa akin sincere, sa dami kong experience sa buhay.”

Kung Pinoy ba o foreigner ang mas preferred niya, ang pag-amin ni Pokwang, “Kung ako tatanungin, sana foreigner.” Sa ngayon daw ay wala pala siyang boyfriend pero inamin niya na mayroon siyang bagong foreigner friend.

Noong una ay ayaw pa ni Pokwang na sabihin na meron siyang British “boy friend” (as in kaibigang lalaki) pero bandang huli ay napilitan na rin siyang umamin. “Meron akong kaibigan ngayong Briton. Friend-friend pa lang, pero happy ako ngayon may friend akong bago, friend pa lang,” diin niya.

Ilang linggo pa lang daw silang magkakilala at nagkita raw sila sa birthday party ng isang kaibigan sa Las Vegas, Nevada, USA.

Nang tuksuhin siya kung may nakikita siyang posibilidad na maaari silang maging magkasintahan, ang maingat na tugon ni Pokwang. “Hayaan na lang natin kung saan patungo ang friendship na ito.

Comments
Rengie V. Salazar
11/17/2012 3:04 PM
cge poki.....luv lang ng luv...

Post A Comment
Comment: