ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Who is your favorite celebrity baby?
A. Baby Zion of Sarah and Richard
7976 vote/s out of 62777
13% Vote

B. Baby Pele of Jolina and Mark
3297 vote/s out of 62777
5% Vote

C. Baby Mela of Melai and Jason
31622 vote/s out of 62777
50% Vote

D. Baby Gavin of Cheska and Doug
19882 vote/s out of 62777
32% Vote

Total Votes: 62777

Snapshots (Photo Gallery)


kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Baron Geisler lands in jail for a neighborhood scuffle

11/13/2012 9:33 AM

by: Krissa Donida

Push This

111312-baron_main.jpgMula sa balita ng ABS-CBN News, nadatnang naka-detain sa Quezon Police Station si Baron Geisler noon Biyernes ng gabi. At sa pahayag ng aktor tungkol rito, “I really didn’t do anything, nagkataon lang na I became a brat, nagalit ako.”

Mula sa salaysay ng complainant na kapitbahay ni Baron na si Raymond dela Rosa, “Mga 7:30 po ng gabi nanonood po kami ng TV ng anak ko at ng asawa ko. Sa loob po ng tindahan namin dumating po si Baron may sinasabi siya, ‘Pahingi naman ng pagkain!’ E hindi ko po siya masyadong napansin dahil may customer po ako na nilo-loadan. Kinuha niya yung tinapay at isinubo sa bibig niya pero niluwa lang po niya, kinalat po sa harap ng tindahan ko. Kinuha niya po ang upuan at hinampas po sa harap ng tindahan ko, yung anak ko po umiyak po. Sumisigaw. Natakot. Tapos lumabas ako tinanong ko siya kung ano ang problema niya.

Itinuro ni dela Rosa ang kanyang kaliwang pisngi. “Sinapak po niya ako rito. Pagkatapos nun ay gumanti na rin po ako ng suntok.” Ayon pa kay dela Rosa lasing daw ang aktor ng mangyari yun. Ngunit giit niya, “Pagka hindi naman siya nakainom, okay naman po e, mabait po.” 

Magdamag na na-detain ang aktor sa istasyon ng pulis. Kinabukasan, nagpunta ang pamilya Geisler at dito nagkasundo ang dalawang kampo na hindi na magsasampa ng kaso at nakalabas na rin ang aktor. Nakausap ang kapatid ni Baron na si Donnie at ayon sa kanya, “Well what we agreed upon muna was that it was a misunderstanding on our side and on their side they just wanted to settle it and you know, to apologize.”

Nilinaw din ni Donnie ang isyung muling nagbabalik sa paglalasing ang kanyang kapatid matapos itong makalabas sa rehab. “It’s hard to say anything about alcohol right now. Right now he is under a lot of emotions. Kung may marinig siyang masama, medyo malakas yung depression niya.

Inamin din ng kapatid na mabilis ang mood swings ng aktor dahil sa karamdaman nitong Bipolar Disorder. “He is on strict medication, he is being medicated for his Bipolarism. I heard kanina he felt depressed about something and he missed his medication. At this point hindi niya talaga dapat i-miss yung medication niya.” Ngunit itinanggi ng pamilya niya na plano nila ipasok muli sa rehabilitation center si Baron dahil sa nangyari.

May mensahe din si Donnie sa mga tagasuporta at tagahanga ni Baron. “Hopefully at this moment sana hindi naman kayo mag-judge kaagad kasi we all know naman that he is been struggling for his career. Sana hindi siya i-judge muna. So I hope they still give him love and support.”

Post A Comment
Comment: