Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Kris Aquino's new pixie cut hair style
A. Love it!
557 vote/s out of 647
86% Vote

B. Hate it!
90 vote/s out of 647
14% Vote

Total Votes: 647

Kim Chiu and Gerald Anderson say they have both matured in their personal lives

11/12/2012 11:52 AM

by: Bernie Franco

Push This

111212-kimgerald_main.jpgMuli ay magkakasama sina Gerald Anderson at Kim Chiu sa upcoming Star Cinema movie na 24/7 In Love. Two years ago nang huli silang magkasama sa pelikula. Marami na ang naganap sa personal nilang buhay at nakatutuwa na ang dating romantic real-life couple ay muling nagkasama sa silver screen. 
Sa The Buzz kahapon ay inilarawan nila ang mga pagbabago sa kanila mula noong una silang nagkasama. 

Ani Gerald, kung noon ay madali niyang mapatawa si Kim sa kanyang jokes, ngayon ay hindi na. “Kahit sobrang mababaw ‘yung joke tumatawa siya (dati). Ngayon siguro nakikita ko sa kanya mas matured na, andami niyang ginagawa na di niya ginagawa dati,” paglalarawan ni Gerald. 

Malaki na rin daw ang pagbabagong nakita ni Kim kay Gerald. “Si Gerald dati kung ano’ng gusto niya gagawin niya. Ngayon din naman pero mas alam niya ‘yung ginagawa niya, dati kasi enjoy, happy-go-lucky,” sabi ng aktres. 
On a physical level ay maganda ang sinabi ni Gerald about Kim. “Para sa akin mas blooming siya ngayon, mas maganda. Siguro nahanap na niya ngayon kung sino siya talaga.” 

Ang patawang paglalarawan naman ni Kim kay Gerald, “Si Gerald noon bata pa po siya, ngayon mama na siya, meron na siyang mga bigote, meron na siyang mga muskels (muscles).”  

Naging safe naman si Gerald sa tanong ni Boy Abunda kung naniniwala ba sila sa kasabihang love is lovelier the second time around. Ani Gerald, hindi pa raw niya ito nasusubukan pero narinig daw niya na totoo ito. 

Nang sundan ito ng tanong ni Boy kung gusto ba niya itong maranasan, tugon ni Gerald, “Hindi po natin alam.” 

Ganundin ang sagot ni Kim at kahit daw sa mga kaibigan niya ay wala pa siyang alam na may nangyaring ganito.  

Samantala, malaking tulong daw sa dalawa na muling magkalapit at mas maging komportable sa isa’t isa matapos ang kanilang “breakup” dahil sa pelikula nila. “Ang laking tulong po ng nag-shooting ng 24/7 In Love. Siyempre bago kami mag-start siguro kinakabahan, nagwo-worry kung meron pa rin kaming chemistry,” pag-amin ni Gerald. “Kung makapagtrabaho kami nang maayos, sobrang ganda po nung nangyari.” 

Sinabi naman ni Kim na nagkikita raw sila lagi sa ASAP subalit hindi naman sila nagkakausap. Malaking tulong daw na sa pelikula ay puro montage ang kanilang mga shots on the first day kaya nanariwa sa kanila ang kanilang ginagawa noong mga unang years nila sa showbiz. “Parang nagbalik Your Song at Love Spell na kaming dalawa,” ani Kim. 

Ipapalabas na ang pelikulang 24/7 In Love sa November 21 sa mga sinehan nationwide. 

Comments
Jilay Swirtz
11/23/2012 5:42 AM
WALEYY NAH CHEMISTRY :( As usual kimerald never had a Blockbuster movie..I think u should grow apart..Kim need more acting workshops masyadong pa cute! di magawang magka blockbuster sa mga movies na kasama xa..Her latest movie with ate V big ''Flop''

Princess Chua
11/18/2012 12:13 PM
Go kimerald! :D i'm just annoyed with this other KimXi fans. Stop bashing! -.- so annoying! seriously!

angel johnie
11/15/2012 5:43 PM
hay naku, another silly dilly kimmy. Nakaka buwiset and kaartehan! ENOUGH!!! LOL

angel johnie
11/15/2012 5:43 PM
hay naku, another silly dilly kimmy. Nakaka buwiset and kaartehan! ENOUGH!!! LOL

Gutsy Kimmy
11/15/2012 3:47 AM
Maturity? Bea? Excuse me...esp. Bea...I don't think Kim wants to aspire to be other than be a better version of herself. She has matured even Gerald says so. Her personality is just bubbly and lively not dull and dry. Her personality is what attracts people to Kim; just watch how people gravitated to her at the ASAP Chat Lounge.

Gutsy Kimmy
11/15/2012 3:43 AM
Style ni Kim yan pag embarrassed ang hampas at kurot...huag lang sya iput on the spot. Kim is just that too with people she considers as friends. So elevated back si Gerald to friendship kaya ganun. Kim was being witty with her responses esp. "last night of the world"ones; sorry kayo kung di nyo nacatch ang wit.

Gutsy Kimmy
11/15/2012 3:38 AM
Kim is a good actress; merong off cam na pinakita...ni hindi sila nag-uusap. Let them be...sabi nga ni Kim, "sarado na ang puso nya for Gerald". The next Bea? Surpassed na nya si Bea...sobrang versatile ni Kim compared. Pls watch IKA and see for yourself.

Wendy Ann Krapp
11/14/2012 5:14 PM
There's no more chemistry..everything is just for promo...try to observe off cam moments, that's reality...Kim is happy now with Xian.

rosanna caboverde
11/14/2012 1:03 PM
noon idol ko lataga ang KIMRALD. bt ng maging partner na ni KIM si XIAN mas na gustohan ko sila, sana si xian ang partner nya sa 24/7. huh

CN tow
11/14/2012 3:20 AM
We're so happy for both of t hem!! but first we're very thankful for ABS CBN and STAR CINEMA to give this project!!!!thank you ABS CBN !!! we're proud being as KIMERALD

Page: 1 2 3
Post A Comment
Comment: