ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Sino ang PBB All In Big Winner mo?
A. Daniel
6763 vote/s out of 33234
20% Vote

B. Jane
14055 vote/s out of 33234
42% Vote

C. Loisa
3813 vote/s out of 33234
11% Vote

D. Maris
7023 vote/s out of 33234
21% Vote

E. Vickie
1580 vote/s out of 33234
5% Vote

Total Votes: 33234

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Andi Eigenmann seeks forgiveness from Jake Ejercito's parents

11/12/2012 1:25 AM

by: Bernie Franco

Push This

111212-andi_main.jpgSana hindi na lang niya ‘yon ginawa kasi alam naman niya na maa-affect ako do’n pero I’m not mad at her or anything kasi alam ko naman na she’s just being a mom, she’s just looking out for me. Naiintindihan ko naman po ‘yon kung bakit nasabi ‘yon ng mom ko.” Ito ang mahabang paliwanag ni Andi Eigenmann hinggil sa naunang pahayag ng kanyang ina na si Jaclyn Jose matapos aminin ng huli sa isang interview na hindi pabor ang mga magulang ni Jake Ejercito na sina former president Joseph Estrada at former actress Laarni Enriquez sa pakikipagrelasyon nito kay Andi.

Ang reaksyon naman ni Andi sa alegasyon na diumano’y hindi pagiging pabor ng mga magulang ni Jake sa kanya, “Kung gusto lang nila ‘yung best for their son and if they don’t think that I’m what’s best for him, (the) only thing I can do is respect it. But my mom is my mom she’s not part of the relationship I have with Jake. Kung ano’ng gusto niyang sabihin di ko mapipigilan,” aniya. 
 
Gayunpaman, hindi raw sigurado si Andi kung talaga bang hindi pabor sa kanya ang mga magulang ni Jake dahil daw may anak na ito. “In all honesty, hindi ko talaga alam. I never knew kung talagang ayaw sa akin ng mom ni Jake. I just knew na Jake has always been so obedient to his parents. And with me naman kasi may anak na po ako. And I’m only 22, so same with Jake he’s still (in early 20s) and still studying so kung sa tingin ng mga tao hindi pupuwede, kahit muna, 'di ko po talaga alam kung 'di pwede forever or sa ngayon lang po. Wala po kaming ibang magagawa kundi sumunod po don,” ani Andi. 

Sabi pa ng young actress, masakit daw sa kanya na maramdaman na ayaw sa kanya ng mga magulang ng taong gusto niya. “Masakit po eh. Masakit po ‘yon na parang hindi ako ideal person na ipapakilala sa mga magulang. 'Di ko alam dahil (ba) may anak na ako o meron lang talagang mali sa akin na hindi gusto ng mga parents. Ipapakita ko po sa kanila na I deserve to be loved. Siguro po nasaktan ko si Jake dati kaya ayaw siguro ng mom na maulit ‘yon kaya naiintindin ko po talaga ‘yon. Tingin ko naman po I still deserve a chance and di naman po ata ako bad person because nagkamali ako dati.” 

Sa ngayon daw ay hindi pa rin sila nagkakausap ng ina ni Jake at hindi rin ito sumagot sa ipinadala niyang text message kay Laarni na humihingi ng sorry. Pero umaasa pa rin siya na magkakausap sila at ang tanging inaasam niya ay kapatawaran mula sa kanila at hindi pagtanggap. 

Tila natuldukan na rin ang kung anumang relasyon meron sila ni Jake dahil ani Andi, nagkausap na sila ni Jake via text messaging. Si Jake ngayon ay nasa London kung saan siya nag-aaral. 

Nang tanungin siya ng The Buzz kung ang dahilan nga ba ng pagtatapos ng kanilang relasyon ay dahil sa utos ng mga magulang ni Jake, ang sagot ni Andi, “'Di po ako sigurado. Siguro po baka kasi nahihirapan sa showbiz, may anak na ako, baka nahihirapan siya baka mabigat para sa kanya to be with someone like me.” Paglilinaw ni Andi wala silang pormal na relasyon ni Jake subalit aminado siyang may nararamdaman siya para sa binata kaya para sa kanya ay may unawaan na sila. 

Pero umamin si Andi na nangangarap siya na magkatuluyan sila ni Jake. “Sana mangyari na siya na talaga ‘yung para sa akin pero kung ayaw niya, wala naman tayong magagawa, di naman ako pwedeng mamilit.” 

Comments
ANDRES RANCHES
11/12/2012 4:48 PM
I admired your strong fighting spirit God is with you. You are too matured to accept all the facts what you've encountered don't blame anyone instead you ask an apology. You did the right thing with respect, you have nothing to worry. Soon they will realized what's their judgement to you is a big mistake. You are a very broad minded person you know what is wrong and right, no one to blame for all the problems what went wrong and asking forgiveness. I love you Andi, it's sad nobody understand wh

Post A Comment
Comment: