ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

After Jane, Mariz and Manolo, sinong ex-PBB All In Housemate ang next na gusto mong gumanap sa MMK?
A. Loisa
3664 vote/s out of 7996
46% Vote

B. Fourth at Fifth
1206 vote/s out of 7996
15% Vote

C. Daniel
813 vote/s out of 7996
10% Vote

D. Vickie
584 vote/s out of 7996
7% Vote

E. Joshua
1729 vote/s out of 7996
22% Vote

Total Votes: 7996

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Shaina Magdayao: 'Closed pa 'yung puso ko'

11/12/2012 1:17 AM

by: Bernie Franco

Push This

111212-shaina_main.jpgRecently ay nag-celebrate ng kanyang birthday si Shaina Magdayao at ikinuwento niya sa The Buzz kahapon na maraming beses pala siyang nagkaroon ng celebration, courtesy of her friends. “Sobrang supportive ang friends ko, ilang beses nila akong sinurprise,” simula ni Shaina. “Sila actually ‘yung nag-throw ng parties for me. ‘Yung gusto kong mangyari ngayon lang nangyari kasi lagi akong may probelma pag birthday.” Aniya for the last three years ay lagi siyang may issue kapag birthday, but this time ay wala. “I’m very thankful this year. Masaya ako, I’m really, really happy,” paniniyak niya. 

Tinukso rin si Shaina ng kanyang mga co-stars sa Kung Ako’y Iiwan Mo na kasama niya sa interview na sina Bangs Garcia at Jake Cuenca sa The Buzz na kaya blooming siya ay dahil may mga manliligaw siya ngayon. Nang tanungin siya tungkol sa kanyang mga suitors, ang tanging tugon ng dalaga, “Hindi yata proper sa akin manggaling.” 

Kung marami man siyang nakukuhang atensyon ngayon, sinabi ni Shaina na marahil sa ngayon ay single siya. “I think naninibago lang ang mga tao dahil ngayon lang ako naging single, parang lagi akong with someone at siguro ‘yung concentration ko sa isang tao lang. Ngayon lang siguro ako naging ganito. Ewan ko kung bakit gano’n parang paborito ako ngayon ng taong intrigahin,” natatawa niyang paliwanag. 

Kung marami man nakakapansin sa kanyang kakaibang glow ngayon, ito raw ay dahil marami ang nakaka-appreciate sa kanya ngayon. “Siguro binabawian lang ako ni Lord sa mga pinagdaanan ko. Seriously it’s a nice feeling na naa-appreciate ka ng tao sa paligid mo, not only men. ‘Yung mga friends andami kong mga bagong kaibigan ngayon. Ngayon lang ako parang nae-expose ‘yung sarili ko sa ibat-ibang tao and they’re decent people. Right now I’m just really very blessed. 

Sa tanong kung ready to fall in love na ba ang dalaga, ang tugon ni Shaina, “Siguro trabaho muna pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan ko. Closed pa ‘yung puso ko. Hintay na lang tayo kung sino. Under renovation pa ho siya pero hintay lang po tayo ng mago-open sa kanya. Pag dumating ‘yung taong yon, sige i-open natin ulit,” natatawa niyang kwento.  
Samantala, this is the last week of Kung Ako’y Iiwan Mo na mapapanood sa afternoon block ng ABS-CBN. 

Comments
angel johnie
11/15/2012 5:49 PM
Isa pa itong si Shaina na disente at may breeding kahit na walang natapos na degree. Sana lahat ng nasa industriya ay may maayos na pag iisip kasi pinapanuod namin kayo at ng mga bata. ABS-CBN, kelangan ata ng training sa Good manners and right conduct ng mga kababayan natin diyan sa industriya ng Pilipinas

bealloydie cruz
11/13/2012 8:22 PM
In fairness, you are one of the most beautiful celebrities. Most of the people in showbiz didn't get a chance to go to school but you look educated. May good manners at RIGHT CONDUCT, kumbaga. Keep it up. God will bless you more

aileen chris gingoyon
11/13/2012 9:38 AM
Ryt..God is good in the right time u can have someone who can be so proud of you;

Weng B.
11/12/2012 1:16 PM
Yes she deserve a better partner! enjoy your life shaina.. explore the world. Love can wait! :)

yana makarina
11/12/2012 2:00 AM
yes career muna kasi pag my bf ka iniintriga ka ng mga paparazzi na yan na wala namang katotohanan..

Post A Comment
Comment: