ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

After Jane, Mariz and Manolo, sinong ex-PBB All In Housemate ang next na gusto mong gumanap sa MMK?
A. Loisa
7402 vote/s out of 16112
46% Vote

B. Fourth at Fifth
3010 vote/s out of 16112
19% Vote

C. Daniel
1681 vote/s out of 16112
10% Vote

D. Vickie
1163 vote/s out of 16112
7% Vote

E. Joshua
2856 vote/s out of 16112
18% Vote

Total Votes: 16112

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Melai Cantiveros speaks up about her rumored suitor

11/08/2012 8:29 AM

by: Krissa Donida

Push This

110812-melai_main.jpgHalos araw-araw na napapanood si Melai Cantiveros bilang co-host sa daily morning show na Kris TV. At sa magandang ratings ng show at magagandang reviews na nakukuha nito, natanong ng Push.com.ph si Melai kung anong pakiramdam makipagbaliktaktakan kasama ang nag-iisang Queen of all Media, Kris Aquino.

Sobrang thankful ako siyempre kay Ms. Kris kasi parang gusto niya kami [ni Jason Francisco] laging magco-host, magsalita lagi with her, yung parang masaya siya na kasama kami. Minsan sinasabi niya nga na, ‘Hay naku Melai, masaya ako magtaping kasama ka.’ Parang super sweet si Ms. Kris, super bait talaga. Dati nga natatakot ako kay Ms. Kris pero sobrang bait pala saka walang kyeme ba, na mabait pala talaga kasi nagdidinner na kami with Ms. Kris yung talagang sinasama niya na kami sa friends list niya. So sweet.”

Hindi pa rin makapaniwala si Melai na nakakasama niya araw-araw si Kris at nakakapag-host siya sa show Queen of all Media. “Anak ng bayani tapos yung Mama at Papa niya pa nandun sa pera kaya I am so very happy I am so blessed na nag-belong ako dun sa Kris TV na gine-guest co-host ako dun at walang sawa talaga ako nagpapasalamat kay Kris sa kanyang binigay na opportunity.”

Once a week nagkakasama sila ng dating kasintahan na si Jason as guest co-hosts sa show kaya naman tinanong ng Push si Melai kung mahirap ba ito para sa kanya. “Okay naman kami ni Jason. Wala namang issue sa aming closeness ni Jason kasi nag-start nga kami bilang friends at inayos ko yung pagmo-move on ko kaya ganito kami friends at nagkikita kami sa Kris TV.”

Ngunit naging matapat naman si Melai nang inamin niya na nung una ay may ilangan talaga. “Dati meron, yung mga first naming pagkikita pero ngayon wala nang ilangan sobrang close na kami at alam namin sa isa’t-isa kung ano ang posisyon namin.

Kaya naman nang mapunta na sa usapang pag-ibig, natanong ng Push si Melai kung may nagpapasaya na rin ng kanyang puso dahil blooming siya ngayon. “Ibig sabihin niyan may pambili ako ng facial wash, may sponsor ako,” ang natatawang sagot ni Melai.

May mga balitang lumabas kamakailan na may nanliligaw sa kanya na taga-Cebu na nakita sa kanyang Instagram account na very sweet at halatang very close sa kanya. “Wala yun. Over! Friend namin yun ng mga kabarkada ko. Over-over ka-friend namin yun kumbaga barkada lang kami ba at niloloko lang kami pag lalaki at babae magkasama lagi na, uyy may something sa inyo kahit wala naman. Friendship na friends lang saka inspired lang ako dahil sa family ko at sa friends ko na parang at alam ko na nagdedesisyun ako sa buhay na ako lang na single.”

Pero habang iniinterview ng Push si Melai, ang kaibigang niyang si Jayson Gainza at Executive Producer ng kanilang show sa Banana Split ay panay ang kontra sa sinasabi ni Melai na magkaibigan lang sila ng lalaking taga-Cebu. Sabi pa nga ni Jayson ay gwapo ito at panay din ang senyas sa pagkontra sa sinasabi ni Melai na magkaibigan lang sila.

Kaya naman tinanong ng Push kung bukas na ba ang puso ni Melai sa panliligaw at sa bagong pag-ibig. “Open naman. Open naman pero hindi naman ngayon kasi kakabreak lang nung January, mage-eight months na pala. Actually mas gusto ko muna na ganito na buhay saka kung meron man manliligaw sa akin o meron akong boyfriend, hindi ko naman itatago. Kawawa naman yung boyfriend ko kung itatago ko siya.”

Ibig sabihin ba nito may kapalit na si Jason sa buhay niya? “Di uy! Friend nga lang namin yun. Kung sa future sasabihin ko naman kung may boylet sa buhay ko.

Post A Comment
Comment: