Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Kris Aquino's new pixie cut hair style
A. Love it!
3202 vote/s out of 3905
82% Vote

B. Hate it!
703 vote/s out of 3905
18% Vote

Total Votes: 3905

Zsa Zsa Padilla remains optimistic despite of her Stage I kidney cancer

8/26/2012 10:42 PM

by: Bernie Franco

Push This

082712-zsazsa--main.jpgNakatakdang sumailalim sa surgery si Zsa Zsa Padilla this August 27 sa US dahil sa kanyang stage 1 kidney cancer. Sa interview na ipinalabas sa The Buzz kahapon ay sinabi ng Divine Diva na nananatili siyang matatag subalit may mga pagkakataon na nalulungkot din siya. “I always need to be very strong and the only time I really cry is when I tell people really closest to me (about my ailment) and they break down. That’s when I feel weak. Kung iisipin ko kasi parang, ‘O, namatayan ka ng asawa, may cancer ka ngayon.’ Pero naisip ko it could happen to anyone so I’m just very lucky and very grateful na naagapan; stage 1 nalaman na cancer para matanggal,” paliwanag ng singer-actress. Ang classification daw ng cancer ni Zsa Zsa ay T1A or mababang form lamang kaya naman nagpapasalamat siya na natukoy ito nang maaga upang madaling malunasan. 

Habang nasa US siya, ang sandalan ngayon ni Zsa Zsa ay ang mga kamag-anak sa Amerika at ang bunsong anak nila ni Dolphy na si Zia na kasama niyang pumunta roon. “Si Zia naga-assess, sabi niya, ‘Mama, I think it’s because we’re still in a phase when we can take it.’ So I can’t but see the brighter side to things,” positibong paliwanag ng Divine Diva. “That’s how Dolphy and I would survive our relationship. We have been through the best and the worst of times, so lahat ng pinagdaanan namin, lalong-lalo na nu’ng umpisa pa lang ng relasyon namin, sobra na ‘yung test. Na parang ‘yung mga susunod pang trials namin totoo namang nakayanan namin lahat ng pagsubok na pinagdanan namin.” 

Very thankful din si Zsa Zsa sa Maykapal dahil maraming pagkakataon na raw ang ibinigay sa kanya ng Diyos. “Actually my children are not surprised that much because they’re used to me having surgeries, but of course cancer is something that’s very very serious, but sabi nila if you’re just aware and not in denial... (it will be easier to deal with).” Bumuhos din ng suporta para kay Zsa Zsa mula sa mga taong nasa industriya na mahal na mahal siya.  

Ibinahagi rin ni Zsa Zsa ang kanyang plano pagkatapos ng operasyon. “After a week I can go home and rest in Manila and go back to work in four weeks. I’m so looking forward to going back to work.” Labis naman ang kanyang pasasalamat sa mga nagmamahal at ang mga taong patuloy na nagdarasal para sa tuluyan niyang paggaling.

Post A Comment
Comment: