Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Kris Aquino's new pixie cut hair style
A. Love it!
4169 vote/s out of 5089
82% Vote

B. Hate it!
920 vote/s out of 5089
18% Vote

Total Votes: 5089

Luis Manzano says he's happy with his career and personal life

2/19/2012 9:20 PM

by: Bernie Franco

Push This

022012-luis-main.jpgSalamin ng saya si Luis Manzano nang mag-guest sa The Buzz nitong February 19 dahil bukod sa maraming trabaho ay happy rin ang kanyang personal na buhay. Naniniwala si Luis na malaki ang kinalaman ng right timing at posible raw na maging masaya sa parehong aspeto ng buhay ng isang tao.

“’Pag oras mo talaga para umibig at magkaroon ng maraming trabaho, oras mo talaga. ‘Di naman kailangan may kapalit ang isa,” ani Luis sa interview niya with Toni Gonzaga.

Kabilang sa mga bagong trabaho ni Luis ay ang pagiging bagong host ng Kapamilya Deal or No Deal na magsisimula na sa February 25. Alam ni Luis na malaking pressure sa kanya ang show lalo pa’t ang dating host nito ay si Kris Aquino. “I have very big shoes to fill, napakalaki ng marka na iniwan ni Miss Kris sa TV show, so the fact na nagkausap kami before-hand and the fact that she gave me very encouraging words means a lot to me. Sabi ko nga aalagaan namin ang show kung paano niya inalagaan,” paniniyak ni Luis.

Bukod kay Kris naging unanimous din umano ang desisyon ng mga tao sa likod ng nasabing show na si Luis ang top choice para mag-host. Grateful naman si Luis dahil dito. “I’m very thankful because Kris is Miss Kris and the very fact na ang Deal or No Deal is her baby at willing siyang ipasa ‘yon sa katulad ko, I guess it’s overwhelming, especially na ‘di lang siya ang nag-agree.”

Bukod sa game show, si Luis din ang magiging co-host ni Sarah Geronimo sa upcoming program nitong Sarah G. Live.

Pagdating naman sa personal na buhay happy ngayon si Luis with girlfriend Jennylyn Mercado. Kahit nga raw busy siya sa paggawa ng pelikula ngayon ay tinitiyak niyang mayroon silang oras ni Jennylyn. Hindi rin itinanggi ni Luis na may conscious effort siyang huwag sumobra ang pagsasalita niya hinggil sa relasyon nila ni Jennylyn. Aniya, ito ay bahagi ng pagrerespeto sakanilang pagkatao sa likod ng camera.

Open si Luis sa pagsasabing masayang masaya siya ngayon sa piling ni Jennylyn at ang panahon lamang daw ang makapagsasabi kung siya ang babaeng pakakasalan niya pero umaasa raw siya na sana nga ay si Jennylyn na ito. Sa tanong kung handa na ba siyang lumagay sa tahimik, ang prangkang sagot ng actor-host, “I’m not getting any younger. Siguro, yes. I have lived my life, there’s always a new chapter waiting to be explored.”  

Comments
ma. ruth kenneth calpito
4/20/2012 1:58 PM
go luis.. very fun mo ako.pag nakikita kita sa tv kinikilig ako.. swerte ni jennilyn mercado as her bf.. sana makita kita inperson papicture lang..

Melanie Delgado
2/20/2012 8:30 PM
sana sa show ni sarah g ay maisama si john pratts, galing niyang magsayaw at mag host. besides, magkaibigan daw si sarah at si john, of course sila rin ni luis ay matagal nang mag kaibigan.

Amelia Tan
2/20/2012 9:48 AM
yan ang tunay na lalaki!

Post A Comment
Comment: