ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Sinong J ang bagay ka-love team ni Jane Oineza?
A. Jeron Teng
9556 vote/s out of 15514
62% Vote

B. Joshua Garcia
2294 vote/s out of 15514
15% Vote

C. Jerome Ponce
3664 vote/s out of 15514
24% Vote

Total Votes: 15514

Snapshots (Photo Gallery)


kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Karylle ayaw mag-comment sa Dingdong Dantes-Antoinette Taus video

3/03/2009 4:08 PM

by: ABS-CBN Corporate Communications

Push This

Tila desidido si Karylle na burahin na sa kanyang buhay ang anumang bagay na may kinalaman sa kanyang dating boyfriend na si Dingdong Dantes. Kinunan kamakailan ng reaksyon ang singer-actress hinggil sa kumakalat na video na nagpapakita ng intimate kissing nina Dingdong at dating girlfriend na si Atoinette Taus. “Wala akong kinalaman sa kanila, alam mo ‘yon,” maikling pahayag ng anak ni ZsaZsa Padilla at halatang hindi komportable sa paksa sa kanyang interview na inilabas sa Showbiz News Ngayon kagabi (March 2).

 

Naging usap-usapan din na nagkataon na naging mag-on sila ni Dingdong habang ang aktor pa at si Antoinette. “Hindi ko alam. Tsaka tapos na lahat ‘yon,” sagot ni Karylle. Ipinagkaila naman ni Karylle na may alam siya sa napabalita na diumano’y nagkaanak si Dingdong kay Antoinette.  “No. Ayoko na. Wala naman akong nalamang ganong balita. I’m sure parang tsismis-tsismis lang ‘yan,” depensa nito.

 

Meanwhile, sinabi rin ng dalaga na wala pa rin siyang bagong pag-ibig at kasalukuyang masaya sa pagiging Kapamilya. Ayon naman sa SNN host na si Kris Aquino, nakausap niya si Perry Lansigan, manager ni Dingdong at sinabing aware sila sa nasabing video at nakunan ito nang unang umuwi sa Pilipinas si Antoinette at hindi pa magboyfriend si Karylle at ang aktor.

Post A Comment
Comment: